Chapter 33:THEN ALL BLACK!

790 14 0
                                    

"Good morning sendd! Si carlle?"masaya kong bati sa kanya habang nandito sa kwarto.

"Ang aga mo naman."sabi nito pero...pano kobang sasabihin na hindi parin ako umaalis don?

"Aalagaan muna kita kaya ikaw wag pasaway at mag palakas ka."sabi ko at ngumiti may dala akong pag kain at gamot nya.

"Kumain ka muna."sabi ko pero nakasimangot lang sya.

"Oh bakit? Gusto mo subuan pakita?"tanong ko pero umuling sya.

"Hindi ka parin umaalis don sa anim mong boss?"tanong nya napatigil naman ako.

"Hmm..alam mo sendd. Kahapon napangiti ko sila napatawa at ngayon lahat sila close kona hindi ko alam kung bakit."sabi ko at ngumiti.

"T-talaga? Nagawa moyon pano?"tanong nya naalala koyung kwintas pero..

"Nakita kase ni sir xiwon yung kwintas ewan konga kung bakit bigla nalang syang nag bago alam moba ngumiti narin sya at sya mismo ang nag sabing wag muna akong umalis don, buti nalang swerte ang kwintas nato." nakita ko naman syang nagulat.

"A-anong sabi mo? Bakit mo pinakita diba ang sabi ko kahit kanino wag na wag mong ipapakita yan? Bakit mo pinakita kean naman ngayon din umalis kana don ako nang mag papaalam sayo."sabi nya at tumayo nagulat naman ako dahil..

"M-magaling kana?"nag tataka kong tanong nabigla naman sya.

"Aalis ako kaya dito kalang wag na wag kang pupunta don na iintindihan mo? Makinig ka muna kahit ngayon lang please!"sabi nya pero wala pa akong sagot umalis na sya.

Dahil pasaway ako pupunta parin ako sa bahay nila sir xiwon dahil alam kong dun lang sya pupunta ang daming tanong saken ni isa wala pang sagot yung kay jude yung kay chase yung sa kwintas yung sa mga magulang ko at kung ANO ANG NAKARAAN KO.

"Kean!"napatigil ako sa pag lalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"J-jude? Bakit ka nandito?"naalala ko yung nangyare non isa syang hari nang tubig at ngayon kolang narealize na kinakabahan na pala ako.

"Wag kang aalis dito kalang."sabi nya ano? Baliw basya? Bakit ano bang kaylangan nya? baka mamaya mag away nanaman sila ni chase kinabahan nako dahil naalala ko yung nangyare nang ipagtanggol ako ni sendd. At carlle.

"Yung hita mo? Ayos naba?"tanong ko nakita ko namang nakakalakad nasya pero..

"T-teka hindi naman ako kriminal para pigilan nyong tatlo no!"bigla kaseng lumabas nang poste si kith at darren aba magaling sa poste ang intro nila.

"Wag kanang makulit umuwi kana."sabi naman ni kith e kung tanggalan ko kaya sya nang panga alam naman nilang delekado si sendd. Kay chase.

Alam kong hindi ginusto ni chase yung nangyare pero katulad nga nang sinabi nya "nasa tama kanga pero wala paring maitutulong yon kung wala sa sitwasyon, mapipilitan mong saktan ang kaaway o talunin ito kahit na ayaw mo" napilitan lang sya kahit HINDI NYA TALAGA GUSTO.

"Ang sabi ni Senddric Bantayan kadaw namin hindi namin alam kung bakit basta wag kadaw naming hayaang umalis."sabi saken ni darren ano!? Bakit?

"T-teka darren diba best friend tayo? Alam kong alam nyo kung san sya pupunta baka mapahamak nanaman sya."sabi ko pero kumunot naman yung noo nila.

"Sabi nya may bibilin lang sya at wag kanaming hahayaang umalis nang bahay dahil susunod kadaw sa kanya ang kulit mo daw kase."sagot naman ni jude nako naman!

"Ano ba kayo dun sya pupunta sa mga boss ko baka mapano sya mag isa lang sya."sabi ko.

"Teka pano mong nalaman na sila ang kaaway namin? Sabihin nanating nila Senddric?"tanong ni darren oh! Ow!

"Nung nag away si zack at sendd. Bakit sa tingin nyo ba ayos na sila?"tanong ko tanggalan koto nang mata at utak e!

Kagad akong umalis don bahala sila wala na silang magagawa kahit na anong pigil nila saken.

(AFTER A MINUTE)

"Grrrrrr!! Bakit ba kase nag punta pasya dito nung sinasaktan ako sumugod din sya ngayong mabait na saken sumugod parin ano bang problema nya? Dahil lang sa kwintas? tanong ko habang dahan dahang pumapasok walang tao sa kusina maging sa sala sa...likod kaya? Tama sa likod.

Nag punta ako pero ni anino wala akong nakita bakit kaya wala sila sir dito? Mananakawan pala sila dahil nakabukas yung gate at walang tao dito sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"nagulat ako nang may nag salita sa likod ko habang nakahawak sa balikat ko.

"S-sir xiwon pasensya na hindi ako naka katok kase nakabukas nayung gate at..ano pong ginagawa ko dito? Diba po may trabaho ako?"tumango naman sya parang iba yung pag kakahawak nya sa balikat ko ah! Parang madiin?

"Umuwi ka muna."sabi nito kaya tumango ako hindi nako mag iinarte pa dahil hahanapin kopa si sendd. Asan naba sya?

Nag punta ako sa playground pero wala sya kahit nasa shop wala sya pati sila kith hindi ko narin nakita may papigil pigil eksena pa sila tapos ngayon kahit saan nakapunta nako tsk!

Biglang sumakit yung ulo ko at nag sisimula nanamang sumakit yung likod ko pero bakit pati yung dimdim ko? Parang may kung anong pumapasok sa katawan ko ang sakit.

Kaya dali dali akong nag lakad pauwi maaga pa kaya sigurado akong wala pa si carlle don asan naba kase si sendd.? Asan naba sya ang sakit!

"Ahhhh! Ang sakit."angal ko malapit nako sa bahay pawis na pwis narin ako at basang basa naring yung damit ko.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nasa daan pako at malapit palang ako sa bahay kaya kahit masakit tinakbo kayon at walang ano ano akong pumasok sa kwarto at nag lock nang makarating nako.

Nahiga ako at namimilipit nako dahil parang may kung ano sa katawan ko pilit kong tinanggal yung jacket ko ang init at ang kate.

Pero inaantok ako...

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon