Chapter 8:MY SIX'S BOSS

1K 23 0
                                    

Thunder cocoa pala yung pangalan ni kuyang mukang panda sinabi narin ni sir xiwon na ganon talaga yon, E pano naman yung iba? Ganon din pati sya ganon din talaga?

"Hmm..s-sir Chase luto napo yung pagkain kumain napo kayo."sabi ko.

"Dalin mo dito!"sigaw nya tsk! Nakahanda nadon e! pa social pa sya.

"Kung putulan kaya kita ng paa ng mag karon ako ng rason na sundin ka."bulong ko sa sarili ko.

"Masusunod!"sabi ko at pumunta naman ako kay sir xiwon.

"Sir? Luto napo yung pagkain kumain napo kayo."sabi ko pero sabi nya pag dalan ko nalang daw sya.

"Masusunod!"hays! Bakit kaya ganon tong mga taong to?

"Ehem! Sir thunder luto napo yung pagk---"naputol agad yung sinabi ko.

"Hindi ako kakain."sabi nya kaya sinunod ko nalang yung dalawa sayang masarap pa naman tong luto ko.

"Ito napo yung pagkain nyo sir chase."sabi ko.

"Dalin mo dito!"sigaw nya tsk! Kaya nga hindi ako makakatok dahil puno yung kamay ko e!

"Pero hindi kopo mabuksan paki bukas naman po."sabi ko pero hindi na sya sumagot nakakainis talaga sya!

"Hays!"sabi ko at binaba yung pag kain nya at binuksan ko yung pinto nakita kong nakahiga lang sya at nag babasa.

"Ito napo"sabi ko at aalis na nang makita ko yung kwarto nya may mga latang sunog at butas butas anong ginagawa nya sa mga yon?

"Anong tinitingin tingin mo? Oo nga pala mga maduduming damit koto."sabi nya at kagad na kinuha yung mga damit at binigay saken mababango pa naman ah? Halata namang hindi madudumi.

"Tss..aksayado sa damit ang arte kase."bulong ko at lumabas na.

Pag kalagay ko sa marumihan kagad kong kinuha yung pagkain ni sir xiwon.

"Ito napo yung pagkain."sabi ko at pumasok na nakita kong wala sya sa kwarto napansin kolang parang sakanya lang yung pinaka malinis na kwarto.

Kagad din akong umalis don dahil balak kong maligo init na init na kase ako diba nga hindi ako nakaligo dahil sa baklang yon kaya pagka tapos kong mag linis ng sala at kusina kagad akong nag punta sa banyo.

"Bakit kaya ganon yung mga yon? Kala mong pinag sakluban ng langit at lupa sa sobrang ka seryosohan at katahimikan yung mga pangalan nila bakit parang kakaiba?"bulong ko kakaiba sila.

Maya maya lang natapos narin ako at mabilis akong nag bihis dahil may narinig akong tumahol ha? San naman kaya yon?

Kagad akong lumabas ng banyo nag bihis ako ng pantalon at medyo kulob na damit black and white para maganda..nakita kong may dalawang taong nag uusap.

"Nakita kona yung mag kapatid ngunit mabilis din silang nakalayo mukang kabisado nanila ang lugar nato."sabi ni kuyang hindi ko malaman kung akong expression meron.

"Mahirap na natin silang mahahanap dahil alam nanilang nandito na tayo pero nakakapag takang hiwa-hiwalay sila."sabi naman nung isa sa muka palang nang isang to makikita mo ang nakakakilabot nitong pagtingin.

"Ay! Pwe! Nagagaya nako sa malalalim nilang salita."sabi ko naikina tingin nila, opps?

"Sino ka!?"sabay nilang tanong at sabay din nilang tayo okay? Kambal ba sila? Ay! Ang layo.

"K-kean Sky Schubert po nag tatrabaho po ako dito."sabi ko at ngumiti pero kagad na lumapit si kuyang napaka seryoso at sinamaan ako ng tingin at..

"Anong narinig mo!? Sumagot ka!"sigaw nya at hinitak nya yung isa kong braso ang sakit!

"A-aray ko! Nasasaktan ako!"sigaw ko at pilit na tinatanggal yon.

"ZACK! Bitawan mo sya."matapang na sigaw ni sir xiwon pero bago panya ko bitawan parang pinag babantaan nya pako mr.warfreak!

"Oh! Nathan, zack nandito na pala kayo."nakangising bati ni chase at tumingin saken.

"THUNDER! KURT! LUMABAS KAYO DITO MAG USAP TAYO!"sigaw ni sir.xiwon in fairness mahinahon parin sya kahit sumisigaw na, tapos tumingin sya kay Zack bayon?

Nandito kami sa sala lahat oo lahat pati yung cute puppy na kanina pa ikot ng ikot sakin napapangiti tuloy ako ang cute nya kase babae kaya to?

"nag tatrabaho sya dito kaya may karapatan syang mag ikot ikot sa bahay nato dahil nag lilinis sya yung kanina, maling sinaktan mo sya zack..sinabi ko nasa innyo na kapag nandito tayo wala tayong sasaktan."sabi ni sir xiwon pero hindi kona narinig yung dulo dahil yumuko ako para hipuin yung puppy.

"Pero hindi nya TRABAHO ang makinig sa USAPAN ng may USAPAN."nanlilisik na mata nyang tingin sakin kaya napa iwas ako ano bang problema nya ni hindi ko naman naintindihan yung usapan nila.

"Miss schubert may narinig kaba sa usapan nila?"mahinahon na tanong ni sir xiwon tumingin naman ako kay zack.

"Meron."maikli kong sagot at kagad na umiwas pero nakita kong ngumisi si chase.

"Sabi kona nga ba bakit kase kinuha mo kagad yan ng hindi namin alam? Baka mapahamak pa tayo dahil sa babaeng yan."inis na sabi ni zack kaya yumuko ako meron pero sa tingin ba nila alam kona agad yon?

"P-pero hindi ko naman sinasadya yon, isa pa hindi korin naman alam kung ano yung pinag uusapan nyo."mahina kong sagot.

"binabalaan kita."sabi nya at umalis na napabuntong hininga tuloy ako.

"Sinabi kona sayo."nakangising sabi ni chase at umalis na din.

"Babalik nako sa kwarto."sabi naman ni sir thunder.

"Yun lang ba? Aalis nadin ako may gagawin pako."tinatamad na sabi ni sir kurt hays! Bakit ganon sila?

"Pasensya na miss schubert masasanay kadin makakauwi kana."sabi ni sir xiwon at tumayo na kaya tumayo narin ako ngumiti nalang ako at nag sabing..

"Ayos lang po, salamat."parang walang nangyari kong sambit habang naka ngiti.

"Arp! Arp! Arp!"ayaw talaga akong tigilan nito kanino batong puppy?

"Ang cute."parang bata kong sambit habang todo ngiti ang cute nya kase tapos ang kulit pa.

"Miss schubert? Nathan neveriches nga pala gusto kolang sabihin na pasensya na pero sana kung may narinig kaman o naintindihan sa pinag uusapan namin kanina sana tanggalin mona sa isipan moyon dahil wala ka namang mapapala."sabi nya tumango nalang ako hindi ko alam kung anong expression ang ipinakita nya hindi ko naman masasabing galit.

Hindi ko alam kung ano yung pinag uusapan nila pero bigla akong na curious pati narin sa pag katao nila bakit? Nahihiwagahan kase ako sa mga inaasta nila.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now