Chapter 21:THE CREEPY DREAM

898 16 0
                                    

Nandito nanaman ako!? Bakit ba lagi nalang akong nandito? May bahay bako dito or baka naman may?.....wahhhh!! Baka naman may boyfriend ako as in syota slash jowa?

"Tss..ano bayan kung ano-ano nanaman yung nasaisip ko, nasan naba kase ako?"sabi ko sa sarili ko at lumingon lingon nang may nag bukas na ilaw pupunta sana ako ng..

Makita kong may itim na usok para bang inaaya nya ko gusto ko sanang puntahan nang pag lingon ko sa may ilaw may isang babaeng nakatayo nakangiti ito at parang inaaya din ako pero madilim yung parte nang mata't ilong nya sino basya?

"S-sino ka!?"tanong ko pero nakatayo lang sya at nakangiting parang anghel yung mga ngiti nya parang pamilyar saken.

Nang mapatingin nanaman ako sa nakakakilabot na usok nakaka-curious kaya hindi ko maiwasang baliwalain to.

"Titignan kolang naman."bulong ko sa sarili ko kung mag lalakad naman ako papunta sa liwanag madadaanan ko narin naman tong itim na usok kaya uunahin kona tong tignan bago dun sa ilaw.

Pag-ka hakbang ko nang isang beses biglang sumakit yung likod ko at yung ulo ko parang sasabog hahakbang sana ulit ako nang mapaatras nako dahil sa sakit.

"Ahhhhh!! Ano bang nangyayare!? Tulungan moko!"sigaw ko at pilit na tumatayo habang nang hihingi nang tulong sa babaeng nakatayo lang nakita kong nawala yung ngiti nya.

Lumuhod sya na parang inaaya ako, para akong isang bata na pinalalapit nya para buhatin.

"Ahhhhhh!!! Ang sakit!"sigaw ko at pilit na tumayo para sana mag punta sa babaeng nakaluhod.

Isang hakbang palang ang ginawa ko patungo dun sa liwanag biglang guminhawa yung pakiramdam ko pero nang itutuloy kona biglang may nag salita nasa tingin ko galing sa itim na usok.

"Tulong!!!! Tulungan mo kami!"sigaw galing sa usok gusto komang tignan ulit at tulungan kung sino man sila pero..

"Hindi ko kaya."mahina kong sambit pero patuloy lang sila sa pag hingi nang tulong nanginginig akong tumingin muli at nanlaki ang mga mata ko nang..

"Carlle!? Senddric!?"sigaw ko dahil na kikita kong nang hihingi sila nang tulong habang nakagapos.

"Wag!"napatingin ako sa sumigaw y-yung babae sino basya!? Bakit parang ang pamilyar nya?

"Tulong! Tulungan mo kami!"sigaw ulit nila naluluha akong humakbang nang isang beses at pilit na pinipigilan yung nararamdaman kong sakit.

"Lumapit ka!"nakakakilabot na boses ang narinig ko sa itim na usok kaya umatras ako ulit ano bang nangyayare?

"C-carlle! Senddric?"tawag ko sa kanila pero wala nang sumagot pag tingin ko dun sa babae nandon parin sya kaya mas pinili kong mag punta don pero parang may gumugulo sa isip ko.

"Dito, dito ka pumunta."biglang bulong nang nakakatakot na boses sa isip ko nanginginig akong humakbang ulit...

"Kean! Kean sky?"bigla akong napamulat dahil sa tumawag saken.

"C-carlle? Asan si sendd. Ha?"tanong ko umupo ako at hinawakan yung braso nya bakit ang tigas?

"A-ano ba! Lumubay kanga nandon sa sala nanaginip ka nanaman ba?"tanong nya kaya tumango ako.

"Yung i-itim na usok? Ano bang ibig sabihin non? Tapos may nakita din akong liwanag na may isang babaeng nakatayo nakangiti to saken parang pamilyar pero bibig lang ang nakikita ko."kwento ko pero nakita kong yumuko sya.

"Wag kang sisilip sa itim na usok basta dumeretyo kalang dun sa liwanag naiintindihan mo?"ha? Bakit? Porket itim masama agad?

"Pero...bakit? nakita ko kayo ni sendd. Na nakagapos pupuntahan ko kayo nang sumakit ulit yung ulo at katawan ko."sabi ko nang tumingin sya at ngumiti.

"Sa susunod wag mong gagawin yon kahit panaginip lang, delekado."kaya napatango ako.

"Sige, may pasok kapa kaya gumayak kana."sabi nya tumango nalang ulit ako.

(AFTER A MINUTE)

"Woy!? Aalis nako ha? Ingat!"sigaw ko at lumabas na para mag lakad hmmm..ano kaya ibig sabihin nang napanaginipan ko?

"Psst!"nagulat ako kaya napatigil ako at tumingin sa likod wala naman.

"Psst!"kaya tumigil ako at hinanap kung sino yon kapag nakita ko sya bibigyan ko sya nang mag kabilang sampal nang mag tigil walangya pa PSST! PSST! Pang na lalaman may pangalan naman ako.

"Ewan ko sayo!"sigaw ko at lumakad na ulit pero may humawak sa balikat ko kaya kagad kong hinitak to at pinalipit.

"Ahhhhh!! Bitawan mo!"sigaw nito kaya nang makita ko sya napabitaw ako kagad.

"Mr.wired guy? Anong kaylangan mo?"tanong ko sa tingin ko nag kita kami kagabi hindi kolang matandaan tinitigan nya ko.

"Kith neves hindi 'MR.WIRED GUY'"sabi nya kaya napatango ako.

"Oh! Tapos? May kaylangan kapa?"tanong ko ulit tinitigan nanaman nya ko ano bang problema nang mokong nato? Ang wirdo nya talaga!

"Gusto kolang malaman kung nag kita ba tayo kahapon?"tanong nya baka?

"Baka."maikli kong sagot tyaka ko sya tinignan hindi naman sya nakakibo.

"H-ha?"tanong nya ngumiti nalang ako at nilagpasan sya para kaseng nag kita kami e.

"Teka lang! Kean sky Schubert diba?"Tawag na tanong nya.

"Alam mo naman pala yung pangalan ko e!"sabi ko kung bigyan ko kaya to nang labing dalawang sapok!? Para ayos lang na tawagin nya kong "PSST!" Dahil nakalimutan na nya yung name ko dahil sa sapok na bigay ko.

"Sabihin mo ano ba talagang kaylangan mo?"Inis kong tanong.

"Hindi ka naman namin sasaktan pero kaylangan mong sagutin yung mga tanong namin...saan ka galing at bakit sila chua--senddric ang kasama mo?"tanong nya.

"Hindi ko alam at kung pwede tigilan nyo nako?"mahinahon kong sagot pagod nakong sagutin yung mga tanong na hindi ko naman talaga alam.

"H-hindi mo alam?"nanlalaking mata nyang tanong tumango lang ako at aalis na sana.

"Layuan mo sila."nagulat ako nang sabihin nya yon sino?

"Sino?"tanong ko hindi ko alam kung anong expression meron sya.

"Ang mag kapatid, lumayo ka sakanila hindi mo alam kung ano talaga sila at hindi namin alam kung ANO KA talaga."sabi nito gusto kong matawa pero ngumiti lang ako.

"Sige, gagawin ko kung may ibibigay kang rason na katanggap tanggap."sabi ko hindi ko alam kung ano talaga ang tinutukoy nya.

"hindi mo sila kilala, ALAM moba kung saan sila nang galing? ALAM moba kung gano sila ka delekado? ALAM mo ba kung bakit sila nandito? Ni hindi monga alam kung sino talaga sila at hindi nila alam na baka ikaw ang IKAMATAY NILA."

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon