Chapter 28:I'M NOT SELFISH!

796 13 0
                                    

"Kuya pogi isa pa!"napatingin ako dun sa bata kanina pasya nangungulit kay darren.

"Isa padaw pag bigyan mona hindi ka titigilan nyan."natatawa kong bulong sa kanya.

Nakita ko namang nakatingin lang sya dun sa nag papadulasang mga bata wag mong sabihing....

"T-teka gusto morin?"gulat kong tanong aba! Kahit maliit sya at mukang bata hindi parin pwede kase matanda nasya at malaki parin sa mga nag lalaro dito.

"Kuyaa~ isa pa."kulit naman nitong batang lalaki kaya nakikita kong na iinis sya.

Nagulat ako nang bigla sya umalis at naiwan tong bata na umiiyak nako! Pinatatahan ko naman sya kaso ayaw tumahimik pano bato?

Kagad ko namang itinawag yung bata dun sa nag babantay nang park nato kaya iniwan kona at sinundan yung lalaking yon ano bang problema nya?

"Asan naba yon."hanap ko pero wala nakong nakitang darren!

"Saglitang pag kakaybigan lang pala~"kanta ko para tuloy akong baliw.

Binalak konang umuwi dahil gabi narin at ang loko iniwan akong mag isa pasalamat sya at kahit papano nag enjoy ako nawala yung...

"S-si sendd.?"kagad kong tawag sa pangalan nya at humarurot nang tumakbo kamusta na kaya sya?

Malapit nako sa bahay nang sumakit yung likod ko siguro dahil sa pag takbo ko kase naman e!!

"Wag ngayon hays! Ayokong matulog dito no."kausap ko sa sarili ko at pilit na lumakad.

Nang malapit na malapit nako nakaramdam ako nang napaka lakas na prinsensya wala namang tao, bigla kase akong kinabahan.

"Nakarating din."pagod kong sabi at dahan dahan na binuksan yung gate at sinarado baka kase nag papahinga nasya bakit ba kase nakalimutan ko?

"Sa susunod wag kayong haharap sa kanila nang kayo lang."pamilyar na boses kong dinig.

"Hindi naman namin alam na ganon sila umatake."sabi ni carlle.

"Alam nyong bago lang kayo at madami kayong hindi alam at mas lalong hindi nyo alam kung pano gamitin yan dahil matagal kayong wala sa empire."teka? Ano daw wala sa empire? Sila carlle?

"Ako ang nag sama sa kanila kaya wala silang kasalanan."sabi ni...jude? Kamusta na kaya sya, nakita kong may benda yung kaliwa nyang binti.

"Kasalanan din namin kaya lang naman kami sumama dahil gusto namin silang kausapin sa lagay ni kean dahil kapag nandun sya lagi syang sinasak--"sabi ni sendd. Pero pinutol sya ni..

"Dahil lang sa babaeng yan!? Nagawa nyong isugal ang buhay nyo? Kapag may nangyari sakanya hindi nyo na kasalanan yon at kung may mangyari sa innyo sa tingin nyo ba ipagtatanggol kayo nang isang babae na kasing hina nang langgam!?"galit na sigaw ni chester halimaw na nga laitero pa!

"Bakit hindi? Sa tagal naming mag kakasama sa tingin moba magagawa kopang maging makasarili sa lahat nang ginawa nila para saken? Ngayon bakit hindi?"masamang tingin ang ibinigay nya dahil sa sagot ko.

Nandito ako sa pinto habang nakasandal at pilit na pinahihinahon ang sarili ko dahil narin sa bwisit nagawa kong sumabat sa usapan nila syempre gulat na tumingin ang iba.

"Kung nag punta ka dito para laitin ang kahinaan ko mas maganda kung lalayas ka nalang hindi ko alam kung bakit ang init nang dugo mo saken pero isa lang ang sasabihin ko sayo, sainnyo KAYA KONG ISUGAL ANG BUHAY KO PARA SA KANILA."matigas kong sabi at kagad na pumasok sa kwarto.

Nandito lang naman si kith, jude, chester at...darren oo nandito sya dito lang pala pupunta tapos iniwan pako magaling! E kung tanggalan ko kaya nang mata yon para hindi na mang iwan!

Meron nga akong kaybigan pero dinaig pa ang multo dahil sa madaling pang iiwan saken napaka swerte ko naman.

"Kean! Kean sky!!"nagulat ako sa sumigaw kaya napatayo ako agad agad.

"S-sandali lang."sabi ko at nag punas nang muka pawis na pawis kase ako e.

"Bakit ba? Ang lakas naman nang boses mo."sabi ko kay carlle at tumingin sa likod.

"Wala na sila mag usap tayo, si sendd. Nag papahinga na alam kong alam mo kung bakit nangyari yon."napaiwas naman ako.

"H-ha? Nasa bahay ako nang amo ko ano kaba? Kung alam ko ede sana humarurot nako nang takbo para lang magamot si sendd. At tadyakan kung sino man ang gumawa sa kanya."sabi ko at umiwas nang tingin.

"Pano mong nalaman na may gumawa non kay Senddric Kean sky? Makinig ka kung may nakita ka gusto kong wag kang matakot mahirap paniwalaan pero--"pinutol kosya napa buntong hininga ako.

"Carlle? Ano ba talaga kayo bakit may mga kaybigan o kilala kang kakaibang tao? Natatakot ako hindi dahil para sa sarili ko natatakot ako para sa innyo yung nangyari kay sendd. Ayokong maulit yon kaya sana iwasan nyo na sila alam kong kaybigan lang ako pero.. matagal na tayong mag kakasama at mahal kona kayo kaya please?"pag mamakaawa ko.

Nakita kong hindi sya sangayon sa mga sinabi ko kaya napa buntong hininga ako alam ko kaybigan nya yon at sa mga narinig ko matagal na silang hindi nag kikita at matagal din silang hinanap nang grupo nila.

"Ayokong mangako, ayokong sabihing gagawin ko talaga dahil..mas matagal namin silang naging pamilya bago ka pumasok sa buhay namin alam ko, kakaiba sila at hindi kapani-paniwala ang lahat pero ngayong nalaman mona gusto kong suportahan mo kami dahil hindi mag tatagal ma iintindihan morin kung bakit may na bubuhay sa mundong to na katulad nila o namin."sabi nito kaya napayuko ako.

Hindi ko magawang sumbatan sya na bakit ngayong may hihilingin ako hindi nya mabigay alam kong mali na humiling ako na sa pang sarili lang pero kase.. mas makakabuti naman sa kanila yon hindi lang saken.

"Hindi ko maintindihan carlle pero sige gusto nyo yan at wala akong magagawa, oo nga naman hindi ako yung na una sa kanila pero tatandaan mo sinasabi koto para sa kaligtasan nyo alam kong alam nyo kung ano yung mararamdaman ko kapag may nangyari sa innyo alam nyo naman na kayo lang yung pamilya ko."sabi ko at tumayo para lumabas.

Ayokong maging selfish pero sa nang yayari ngayon na may kakaibang nakapaligid samin masisisi nyo bako? Alam kong mahirap na iwan ang kaybigan pero pano kung maling kaybigan pala? Ako, alam kong iba si chase pero hindi katulad nang chester nayon nararamdaman kong may kabutihan si chase.

"Kabutihan na naka tago at ayaw ilabas para sa sariling kapakanan"

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now