(V) THE ENCOUNTER

7 0 0
                                    

V The Encounter

"Wew! Sorry kung ilang years din bago nadugtungan 'tong estorya ko..hehe ay six months lang pala.. San ba naudlot ang kwentohan natin? Ayun! Dun sa panyo ni Miss Beautiful "

After 6 months...

Busy-busihan ako ng mga nakaraang months... masyado kasi akong focus sa LOVELIFE ko... este! Sa pag-aaral pala!

Naaalala nyu pa ba si misteryosa? Napagtanto ko lang kasi.. Nang lumabas ang 2014 issue ng the TORCH, nabasa ko ang mga creepy stories ng PNUans... ang dami palang kababalaghang nangyayari sa school. Naisingit ko si misteryosa kasi parang ang weird nya..panu kung isa pala syang multo? Waahhhh... lagot na brad! (thinking) pero okay lang, magandang multo naman sya siguro. Hehehe

Simula ng mabasa ko ang mga creepy stories sa school, umiiwas na akong pumasok sa banyo... baka kasi matakot sila sa akin. Hahaha

Pero seryoso. . parang nagkaroon na din ako ng mga ganitong moments. Si Misteryosa, yung weird na pabango, at yung magandang binibini na nag-abot sakin ng panyo ay parang may koneksyon....

Habang nasa Canteen ako, may isang estudyanteng lumapit sa akin, may naghahanap daw sa akin sa Reading Center. Di ko na naitanong kung ako sino ang naghahanap at kung ako ba talaga yung tinutukoy nya kasi dali-dali itong umalis.

Kahit nag-aalinlangan ako, napilitan akong pumunta sa naturang lugar, iyon ay para alamin kung sino 'yung taong naghahanap sa akin, kasi sa totoo lang may isang tao din akong inaasahang kakausap sa akin ng mga panahong iyon. (Wag nyu nang alamin kung sino.. basta importante sya sa'kin)

Isang estudyante lang ang naroon, at sigurado akong hindi ko sya kilala...

Tahimik lang sya, tahimik in the sense na kalmado sya at hindi nagpapakita ng kahit na anong kilos. Nakakapanibago din ang paligid, kalmado ang mga dahon na parang iniwan ng hangin, nakakabingi ang katahimikan, nakakalula ang mga gumagalaw na anino ng mga puno.

Naninigas ang katawan ko at nawawalan ng timbang, parang papel na hinihipan. . hindi ko ramdam ang tinatapakan ko. .parang may hindi tama sa nangyayari. . gusto kong tumalikod at kumaripas ng takbo pero pilitan akong lumalapit sa kanya.

Ang haba ng kanyang buhok, ang hubog ng kanyang katawan at ang halimuyak na pumapasok sa ilong ko, nakakahilo ang bango. Sa dami ng iniisip ko hindi ko kakayaning mas lumapit pa at makita syang humarap. Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko. .

Takot...
Ito pala yung tinatawag nilang takot...
Maraming bumubulong sa akin, may humahaplos. .
Unti-unti syang lumingon at mas pinili kong pumikit na lamang...
Ramdam ko ng paglapit nya dahil sa tumatapang na bango...
Lumalamig...
Nakakatunaw ang lamig..
Tumatagos ito sa katawan ko. .
Ibat -ibang imahe ang nakikita ko...

Nahuhulog. . sinusugatan. . natatakot . .

Isang babae na namamatay sa lungkot sa paghihintay. .
Mga sulat at larawan. .
Iginuhit na mukha sa nakaraan..
Mga sumpaan. .
Isang lalaking sugatan. . natatakot!
Kamatayan ang hatol at sa sinisinta'y hindi umabot.

Nanghina ako at nawalan ng malay. .

Madilim....
Madilim na ng magising ako. .

Sa isang table. . may isang panyo at puting rosas. .
Ito yung panyong iniwan ko kung saan ito iniabot sakin ng di ko kilalang babae at ang halimuyak ng rosas na lagi kong naaamoy.

Sa harap ko ay isang vandal...
mukha ng babae na iginuhit sa isang post ng reading center.
Alam kong hindi na ito yung original na drawing kasi halatang may nagka-interes at pinaglaruan ito.

Hindi ko alam kung konektado ito sa mga nangyari sa akin.
Ang vandal na tinutukoy ko ay ang drawing na ginawa ko mismo isang taon na ang nakalipas.

Naguguluhan parin ako. . pero dito ko na tataposin ang kwento.

(Thank You! Salamat sa effort ng pagbabasa. Ito po ay bunga ng imahenasyon lamang at maaaring malayo sa katotohanan.)

-the END

MISTERYOSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon