(II) PERFUME

19 0 0
                                    


" Ilang araw ding naging laman ng isip ko ang misteryosang estudyanteng iyon. Ilang araw ko rin syang hinanap hanggang sa nakalimutan ko na at naging isang panaginip na lamang"

1 month after...

Busy ang lahat para sa darating na finals, maliban siguro sa akin at sa grupo. Speaking of grupo, binubuo ito ng pitong pasaway na lalaki ng section namin.(ako 'yung pinakamabait...hahaha...) marami kaming pagkaka-iba, marami ding pagkakatulad... isa na doon ang pagiging tamad. Kami kasi 'yung tipo ng estudyanteng pabaya
(proud pa eh), hindi naman sa ganun, sadyang pinagtagpo lang siguro kami ng kamalasan at biniyayaan ng katamaran.

Habang nasa bench kami at nangungulit ng mga abalang kaklase, hulaan nyu kung sino ang nakita ko....
tik! tak! tik! tak! sino pa ba? kundi ang maganda at seksing senior na pinagpapantasyahan ng grupo, whoooaahhh.... iisang direksyon lang ang tingin at laglag ang mga panga.
1...2...3... fast forward na nga lang...

Nagyayaan na ang grupo na mag relax muna sa tambayan, habang naglalakad kami palabas ng school... isang familiar na pabango ang nagpabagal ng ikot ng mundo ko, at parang may sinasariwa akong pangyayari sa buhay ko na matagal ng naging parte ng nakaraan.

Hindi ko maalala, basta parang napakalapit lang nito sa akin at nasa isip ko lang ang taong gumagamit ng ganitong pabango, nanunuot sa ilong ko ang malambing na halimuyak ng mga priskang rosas. Sensitive kasi ako pagdating sa amoy.

Sa pagkakataong iyon, maraming estudyante ang paikot-ikot sa lobby kaya mahirap tukuyin ang may dala ng ganung halimuyak (alangan naman amoyin ko lahat ng estudyante sa lobby). Ang iniisip ko lang ay kung saan ko huling naamoy ito at kung kanino. Wala talaga akong maalala.

O teka! san na ang mga mukong na 'yon? naiwanan tuloy ako. maka-alis na nga dito.

Kahit palabas na ako ng school sinusundan parin ako ng amoy na 'yon.

Mukhang kailangan kung magbabad sa makapal na usok para makalimot at magising.

MISTERYOSAWhere stories live. Discover now