(IV) PANYO

11 0 0
                                    

IV Panyo

"Anung araw na nga ba ngayon? Hang-over na naman. Buti nalang naka-uwi pa ako ng bahay. Pero teka! Panu nga pala ako naka-uwi?"

Lagot na! Examination week nga pala ngayon! ASAR! Dali-dali akong naligo at nagbihis, wala pang almusal ay sumibat na ako, 'di ko pinansin ang mga tanong ni mama.. Saan na naman daw ako nagpuyat kagabi? Ba't di naka-uwi, Sinong kasama ko..at blahh..blahh..blahh..

Ang sakit sa ulo,at ang sarap pang matulog..fastforward na lang yung sa exam wala namang magandang nangyari, as always "LOOK UP" HAHAHA

Sa isang tabi..iniisip ko kung paano ako naka-uwi kagabi, huli ko kasing naalala nasa terminal ako ng bus at nagsusuka sa sobrang kalasingan. Lagi itong nangyayari, pero mas masama yung tama ko kagabi..parang nagka-amnesia ako. (stupid talaga)

Hindi ko muna pinansin ang mga pang-aasar ng grupo kasi parang mayroon talagang nangyari kagabi na makakasagot ng mga weird na nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko masyadong maalala lalo na't nahahati ang atensyon ko sa mga mukong na nang-aasar habang nagbabasketbol. Nasa Covered Court kami noon ng school nang maisipan kong maglakad-lakad muna.. (kahit saan basta tahimik )

Nasa 3rd floor na pala ako ng Technology Building, blangko talaga ang isip ko ng mga oras na iyon, ni hindi ko man lang namalayang dumaan ako ng lobby. Haist! Medyo masarap nga dito, mahangin at tahimik, yun nga lang nakakapanibago ito sa isang katulad ko na kilala bilang makulit at mahilig mag-ingay. Pero ang sama talaga kasi ng pakiramdam ko, dinadalaw ng antok sa sobrang puyat.

Naabotan ko ang sarili ko na may kinaka-usap, nakatulog pala ako sa silyang inuupuan ko sa labas ng room malapit sa library, ang ganda ng panaginip ko, kasi may isang binibini daw na nag-abot sakin ng panyo, pamunas ko raw sa laway ko. Hahaha nakakatawa! Medyo matagal din ang pagkakatulog ko kasi madilim na ng ako'y magising.

Noong pababa na ako ng school building, dinukot ko ang bulsa ko para kumuha nga pamasahe, laking gulat ko ng makapa ko ang isang malambot na bagay mula dito, naisip ko kasi na baka totoo yung inaakala kong panaginip, nakakahiya! Panyo nga! Hindi pala ako nananaginip kanina at totoo pala na may nag-abot ng panyo sa akin para pamunas ng laway ko. Eeewww ansama nun.

Pero sino kaya yung magandang binibini na yon??? Makapagpasalamat man lang sana ako sa kanya. Napa-smile ako sa sarili ko..awkward!

Pero bigla itong binawi ng kilabot ng maamoy ko ang weird na pabango na lagi kong naaamoy at nagmumula pa mismo ito sa puting panyo na hawak-hawak ko, sa isang side nito ay nakaborda ang pangalang "TERESSA" masyado namang familiar, 'yung amoy at ang nakabordang pangalan'... magulo parin ang isip ko at ang hirap ipaliwanag kung anu ang koneksyon nito sa akin.

Maiba na nga yung usapan...
Pero promise! Di ako namamalikmatan, ang may-ari ng panyong ito ay HAYOP.... HAYOP SA GANDA DUDE! Paano ko kaya sya makikilala? Hehehe
Maka-uwi na nga lang...

Panu ba 'yan guys, mukhang may pagkaka-abalahan na naman ako nito! Syempre yun yong hanapin ang may-ari ng panyong ito. Kahit cellphone number nya nalang makuha ko.. HAHAHA ilusyonado!

MISTERYOSAWhere stories live. Discover now