( I ) MISTERYOSA

33 1 0
                                    


"sinundan ko sya...ang bilis nyang maglakad...paglapat ng mga paa ko sa huling baitang ng hagdan tanging malapsaw na anino na lamang nya ang naabutan ng aking mga mata"

Paakyat ako noon sa 3rd floor ng Technology Building upang isauli ang librong hiniram ko sa library, minsan ko lang ginagawa ito, hindi naman kasi talaga ako mahilig magbasa lalo ng libro, nagkataon lang na kailangan ko para sa reporting. Well, hindi ito ang gusto kong pag-usapan.

Tuwing Friday, nababawasan ng halos 90% ang estudyanteng pagala-gala sa school lalo na't wala ng pagkakaabalahan the next day kasi umuuwi sila sa kani-kanilang mga lugar, in short, wala na talagang katao-tao ng mga oras na iyon, maliban sa guard at sa nakita kong estudyanteng...hayaan nyo akong magpaliwanag kung bakit nakuha nya ang attention ko. Maputi sya...na kahit medyo madilim kitang-kita ang kinis ng kanyang balat, nakalugay ang mahaba at maitim nyang buhok na abot hanggang balakang, para syang model ng creamsilk at ito pa, maayos ang uniform nya... I mean, bagay sa katawan nya na medyo fit at kitang-kita ang hulma na "36 24 36" , ang sexy nya dude! Ay sorry... mahina lang talaga ako pagdating sa ganitong usapan, pero ang weird nyang maglakad, mabilis na parang may iniiwasan , parang si Sir din...hahaha... biro lang, hindi naman ganun ka kabilis, tama lang sa taong may hinahabol na oras.

Sya nga pala, mag-aalas syete na iyon ng gabi saka ko pa napansin ang katangahan ko, hindi nga pala 24 hours ang library at malamang kanina pa iyon sarado. "Sorry na" bulong ko sa sarili, alam nyu namang di ko talaga gusto ang lugar na 'yun, kasi maliban sa tahimik, mala-santo pa ang mga estudyanteng pumapasok doon, pero hindi naman ako kasing 'evil' gaya ng iniisip mo.. siguro "konti lang"...saan na nga ba tayo? Ahh..doon sa parteng...

Mabilis syang maglakad, sinundan ko sya kasi baka sa library din ang tungo nya at para narin makita ang mukha nya (curious) ... Hindi kasi familiar ang mga kilos nya at syempre sino ba naman ang hindi mako-curios sa kanyang dating? Nilakasan ko pa ang mga yapak ko para mapansin nya pero hindi sya lumingon at mas binilisan pa nya ang paglalakad. Baka natakot sa'kin yun?ayun na...(evil mind) anu kaya kung takutin ko sya?.. habang iniisip ko ito nawala sa isip ko ang pagsunod sa kanya at paglapat ng mga paa ko sa huling baitang ng hagdan tanging malapsaw na anino na lamang nya ang inabutan ng mga mata ko. Pumasok ito sa Female Comfort Room, pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi ko narinig na bumukas ng pintuan syempre hindi ko rin narinig na nagsara. (baka silent mode)

Malamig ang hangin na dumampi sa balat ko at biglang bumigat ang aking katawan. Parang may nakasabit na mabibigat na bagay sa aking mga tainga. Naluko na! naunahan ako ng takot gawa ng iba't-ibang imahe na nagflash back sa utak ko. Lahat ng mga pangit na multo sa horror movies nakikita ko lalo na 'yung sa "the Conjuring" na pinanood namin kahapon. Hindi naman talaga ako takot sa mga multo pero nararamdaman ko lang ang feeling ng mga taong natatakot dito, hahaha..ganun din yun, pinahaba ko lang. Tama na nga! Bumaba nalang ako kasi baka totoong multo 'yung si student at maihilog pa ako sa 3rd floor.

Habang gulong-gulo ang utak ko sa kakaisip kung sino 'yung misteryosang estudyante na may special business sa C.R , naisip kong mag-abang nalang sa labas. Iba kasi 'yung usapang talikuran sa usapang harapan, it means, gusto kong mamukhaan si Miss Teryosa (misteryosa).

Nakaupo ako malapit sa guard house ng kabilang building sa tapat ng gate ng school habang hawak ko ang sira kong cellphone na walang backlight at napag-iwanan na ng panahon, sinisilip ko ang orasan nito. 8:30pm na pala at halos patay na ang ilaw ng rooms sa Academic Building at Technology Building kung saan hindi pa lumalabas si Ms. Teryosa. Naitanong ko lang sa sarili ko kung bakit ko pinag-aaksayahan ng oras ang business ng iba, nga naman... maka-uwi na nga lang at para makatulog na nang isang taon kasi ilang araw ding naabuso ang katawan kasama ang barkada.

Sana nga makatulog ako...Gudnayt!

MISTERYOSAWhere stories live. Discover now