CHAPTER TWENTY = Run for your Destiny =

145 5 5
                                    

ASHLEY'S POV

Binaba ko agad yung phone at tarantang hinanap yung susi ng kotse ko. Hindi pwedeng umalis si Warren… Bakit ba kasi napakatanga mo Ashley? Lumabas na lahat ng clue at signs nagpakabulag ka pa rin kay Henry!!! Stupid!

Pababa na ko nung tawagin ako ni Mommy. Nasa baba daw si Henry. The nerve! Ang kapal ng mukha nyang magpakita sakin!! Bwiset sya. Pinaglaruan nya kami ni Warren.

Bumaba na ako pero inaya ko si Henry sa labas. Ayokong makita nila Mommy yung pag-aaway namin. Baka tanungin pa nila ko. Mamaya ko na lang papaliwanag.

 “May pupuntahan ka ba?” tanong nya sakin. Nanggigil talaga ako. Makangiti pa sya wagas. Ang saya nya siguro kasi panalo sya kay Warren. Hmp! Kala nya lang yun.

Sinampal ko sya sa lakas na kaya ko. ‘Di ko napigilan eh. Sinira nya lahat. Tapos eto huli ko na malalaman kung kailan pwedeng mawala si Warren sakin?

“What’s that for?!” sigaw nya.

“Bitch!” magtatanong pa sya ha? “You're such a liar. Bakit Henry? Bakit ka nagsinungaling?” Unti-unting nanlalabo yung paningin ko.

“What are you saying?” hawak nya pa rin yung pisngi nya na sinampal ko.

“Hindi ikaw si Rien!” Nagulat sya sa sinabi ko. Tama diba? Sinungaling talaga sya!

“Kanino mo nalaman yan…?” Wow! Mukhang balak nya pa yatang mag-deny ah?

“Tama na Henry! Ayoko ng marinig lahat ang sasabihin mo! Napakasama mo!” Aalis na ko nung pigilan nya ko. Hinawakan nya ko sa braso.

“Pero Ashley…”

“Susundan ko si Warren! So just let me go!” Ayaw nya pa rin ako bitawan kahit tinatanggal ko na yung kamay nya. He's too strong.

“Makinig ka muna…”

“Look Henry, sinagot kita dahil akala ko ikaw si Rien! Kaya bitawan mo ko! Ang kapal ng mukha mo. Henry, pinaglaruan mo kaming dalawa ni Warren. Hindi mo alam kung gaano ko sya kagustong makilala.”  Ok, I can’t help but cry. Ayaw nya pa kong bitawan. Si Warren, Baka di ko na maabutan.

“Pero nagawa ko lang yun dahil…” Hindi yun ang dapat maging bunga ng pagmamahal. Love sacrifes everything right? It's unconditional. Magkaibigan pa naman kaming tatlo.

“Henry, if you really love me, you should’ve set me free. Hayaan mo ko kung saan ako sasaya. Hindi pwedeng mahal mo ko pero hindi ikaw ang mahal ko. Unfair yun para sakin. Mahal ko si Warren, Henry. Mahal ko na sya bago ko pa nalaman na sya si Rien. Pero kailangan ko syang kalimutan dahil akala ko ikaw ang destined para sakin. Nag-sacrifice ako. Kaya please… Pakawalan mo na ko. Ayoko ng magkamali ulit. Pagod na ko masaktan.”  Napayuko ako kasi hindi ko na kaya. Naiyak na ko ng sobra.

Nag-bow sya. I can see the sadness in his face.

 “I'm sorry… Hindi ko gustong umabot pa hanggang sa ganito ang mga bagay na akala ko ay matutulungan ako… I’m sorry Ashley, nagamit kita. Nagamit ko yung sitwasyon, ngayon pareho ko kayong nasaktan ni Warren.” Hindi ko sya maintindihan pero nakita kong pumapatak yung luha sa mata nya habang nakayuko.

“W-what do you mean? Hindi kita maintindihan.” Sagot ko, unti-unting lumuwang yung pagkakahawak nya sa braso ko at napaluhod sya.

“Ginamit kita para pagselosin yung taong mahal ko. Gusto kong iparamdam yung sakit na naramdaman ko nung iwan nya ko. Akala ko nakalimutan ko na sya at puro galit na ang laman nito!” He violently hit his chest.

“Henry…” Naupo ako sa harap nya.

“Mahal ko pa pala sya Ashley… Hindi ko maamin na hanggang ngayon kahit na iniwan nya ko mahal ko pa rin sya! Mahal na mahal ko si Eunice!” Nagulat ako sa sinabi nya. Si Eunice? Anong meron sa kanila ni Eunice?

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ