CHAPTER SEVENTEEN = She's gone .. He's back =

109 2 2
                                    

WARREN'S POV

“Kami na ni Ashley.”  

Yun na siguro yung pinakamasakit na salitang narinig ko. Sila na ni Henry. Kaibigan ko pa? Panong nangyari yun? Pinilit kong ngumiti at batiin sila. “Talaga? Congrats ah?” 

“Salamat pre!” tapos inakbayan nya si Ashley. Nung oras na yun parang gusto kong hilahin sa kanya yung taong mahal ko at ilayo sa kanya. Pero di ko kaya, at hindi ko rin alam kung sasama ba sya sakin. 

“Ah, sige. Maiwan ko muna kayo. Pupuntahan ko pa sila Mommy eh. Goodnight na rin.”  Paalam ko sa kanila, di ko na kayang makita yung scene na nakikita ko. Nagselos na ko dati. Nung birthday ni Eunice, kaya lang ngayon iba na eh. Sila na talaga. wala na kong magagawa. Bakit ba kasi ang bagal ko! Sh*t!

 Eto na yata ang pinakamalas na araw sakin! Hindi ko na nakita man lang si Aliya tapos naagaw na ng iba yung babaeng mahal ko. Urgh! Ano ba to! Nasasaktan ako? Hinde!

 Ang dame kong iniisip, lakad lang ako ng lakad kahit saan na lang ako magpunta. Basta malayo sa kanila. Ayokong makakita ng iba! Habang naglalakad ako unti-unting lumalabo paningin ko. Hanggang sa tuluyan ng pumatak yung luha ko. Sh*t! This is the first time that I cried for a girl. Errr, this is so gay! 

“MAHAL KITA!!!!” sinigaw ko yun sa lakas na kaya ko! Nasa labas na ko ng village nun. Wala akong pakelam kahit sabihin na baliw na ko. Totoo naman eh. Sa unang pagkakataon na nagmahal ako, dun ko rin naranasan ang masaktan. “AHHHHHHHHHHHHHH” Sinipa ko yung puno kung saan ako napasandal. 

Masakit eh, wala akong magawa. Kundi ko gagawin to, baka ano pa magawa ko sa sarili ko. 

“Gusto mo magpakalasing?” Nagulat ako sa lalaking nagsalita mula sa likod ko. Pamilyar. Pagharap ko.

“ZAYN?” Nakangiti sya. Kailan pa sya bumalik? 

“Oo ako nga.”  Aba! Nagtatagalog na sya ng diretso.

“Kailan ka pa bumalik?” tanong ko sa kanya. Naglakad sya at umupo sa damuhan. May dala syang beer in can.

“Kahapon lang. Tara inuman tayo.”  Inabot nya sakin yung isang can ng beer. Umupo na rin ako.

“Mukhang pinag-aralan mo talaga ang language dito ah?” Natawa naman sya sa sinabi ko.

“Hahahahaha, oo para naman di na ko asarin ng kambal mo. Ginawa ko yun para sakanya. At bumalik ako dito para sa kanya.”  Biglang naging seryoso mukha nya. Ako naman halos ubusin ko na yung beer sa isang lagukan lang. Sinusubukan kong alisin sa isip ko yung nakita ko kanina, pero kahit na anong gawin ko hindi sya maalis. Ganito pala masaktan? Literal na masakit sa puso na halos nararamdaman ko na yung kirot…

“Ah… Eh pano mo ba ko nasundan dito?” Tapos kumuha ulit ako ng isa pang beer. Gusto ko makalimot eh. Pakelam nyo ba? 

“Pupunta sana ako sa bahay nyo para makita si Camille then I saw you walking at nowhere so sinundan kita. Bumili na rin ako nito dun oh?”  Tapos tinuro nya yung convinient store na malapit sa pwesto namin.  “Mukha kasing may pinagdaanan ka.” Psh! Medyo sablay pa rin.

“Hahahaha ganon ba?” Lagok sa beer.

“What's your problem anyway?” He asked. Tapos binuksan nya yung pulutan yata. 

“May babae kasi akong gusto. Kaso may boyfriend na sya ngayon eh.”  Napangiti naman sya. 

“Ok let's think that the girl you are talking about is Ashley and his boyfriend is a friend of yours which is Henry.”  Oh de sya na magkwento! Mukhang alam na nya eh. 

“Adik! Alam mo na pala eh.”  

“Hinulaan ko lang kasi diba dati halatang type ni Henry si Ashley?” Nahalata nya rin pala. Akala ko ako lang napa-praning mag-isa eh. 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon