CHAPTER TEN = Pajama Party =

209 2 1
                                    

 CAMILLE'S POV 

 Halos malaglag yung panga ko nung nakita ko si ZAYN!! Waaahh.. Totoo ba to?! Pinuntahan nya ko? Gosh!! Kanina lang halos ‘di ko tantanan yung pag-iisip sa kanya ah? Then eto na sya, kaloka. 

“A-anong ginagawa mo dito?” shock pa rin ako nuh, Pano nya nalaman na dito ako nakatira?

“Sinamahan nya ko. ay! Sinamahan ko pala sya.”  Sumulpot naman sa likod ni Zayn si Eunice na tuwang-tuwa. Kailangan yun?

“Yup, because… because...” ‘di matuloy tuloy ni Zayn yung sentence nya kaya si Eunice na nagdugtong.

“He wants to see you. Ayun yung gusto nyang sabihin.”  She smiles, si Zayn naman ayun nahihiya pa. Kala mo naman meron sya nun, samantalang sya yung naunang bumulaga sa gate. 

“Ahh, uhm, tara sa loob. Ang bilis nyo naman akong na-miss.”  Nauna na kong naglakad papasok sa loob ng bahay. Kahit di ako nakatingin rinig na rinig ko yung pagtatalo nila Zayn at Eunice. Kahit pabulong lang. XD

“Upo muna kayo kukuha lang ako ng makakain.”  Dumiretso na ako sa kitchen, may nakita naman akong isa pang box ng cookies kaya yun na lang. Kinuha ko yung juice, habang tinitimpla ko, nakita ko naman na papalapit si Zayn. At baket? Gutom na ba sya at excited na syang lumapang?

“You-you need some help?” bakit yata pati sa english bulol na sya? 

“Ahm, tulungan mo na lang ako ilagay to sa table.”  Nilagay ko na sa tray yung cookies tapos kinuha nya na. Ako naman naglagay nung juice sa table. Si Eunice, nakangiting-aso!! What's her problem? Nag-birthday lang nabaliw na.  

“Wow. Bagay na bagay.”  ano daw? alin ang bagay.? kami? Gosh ah. :"> Keshi nemen.

“Anong bagay?” curious ko kunwaring pagtatanong. Kailangan yun noh!

“Ah. Ah. She said, bagay yung cookies and juice as, ahm as breakfast! Yeah, that’s it, right Eunice?” Litong sabat naman ni Zayn, For his information, tanghali na! Breakfast pa din?

“Uhm, siguro.”  natawa naman ako sa sagot ni Eunice. Napilitan?  hahaha.

“Sige kain na kayo… Anyway, kailan ba balik nyo sa Canada?” I started the conversation. 

“Actually, dapat talaga ngayon ang balik nitong si Zayn but as I please, siguro next week pa. And may gusto pa daw kasi syang makita kaya ayaw nya munang bumalik.”  She grins. Adik talaga to. Kung wala siguro ako dito sa harap nila sinakal na sya ni Zayn. Hehehe.

“Eunice?” pinandilatan nya si Eunice. Hahaha so cute. >_< 

“Hahahaha ang bagal mo kasi eh.”   Ano na namang ibig nyang sabihin? Masyadong malalim yung mga sinasabi nito eh. 

“Hay nako! Ang kulit nyong dalawa!” baka kasi malaglag na yung mata ni Zayn eh. Hahaha over nya pandilatan si Eunice eh.

“Eto kasing si Eunice, mesyadong madadal.”  nagsalita ang bulol, yan na naman sya sa mesyado nya. (= __= )

“Nagsalita ang hinde! Eh kanina halos marindi na tenga ko sa kadaldalan mo!” she uttered. 

“Ok. Quiet na guys.”  I said. Kailangan talagang sa harap ko mag-asaran?

“Eh nasan ba Ashley?” tanong ni Eunice.

“Umuwi kasi sya agad eh, paggising ko sabi ni Warren, umuwi na daw.”  Kumuha ako ng isang cookie sabay kagat. Masarap pala to? 

“Puntahan kaya natin?” Ayos ah? Baka nga tulog pa yun eh. Bubulabugin agad? 

“Baka tulog pa yun noh?!” I said, Tahimik lang si Zayn, tahimik na inuubos yung cookies. Tss! Adik lang. 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Where stories live. Discover now