CHAPTER NINE = Maybe it's you =

206 3 0
                                    

ASHLEY'S POV 

“Nasan na kaya si Camille?”  Nakaupo lang kaming dalawa ni Henry sa table na pinag-iwanan samin kanina ni Camille. Naka-sayaw na kami't lahat lahat di pa rin sya bumabalik. Ngapala nakita ko syang may kasayaw kanina, pero di ko kilala kung sino yung cute nyang partner. Ngayon ko lang nakita yun eh. Hindi naman naming sya kabatchmate. Sino kaya yung nahuling isada nung babaeng yun? ( O_ o )? 

"Babalik rin siguro yun. You want some drink?”  Si Henry, kanina ko pa kasama ‘to eh. Okay lang naman sya kausap, in fact marami na syang nakwento sakin. Napraning nga ako ng bongga dun sa mga kwento sa kanya ni Warren about sakin. Impakto talaga yung tukmol na yun eh. Di ko pa sya nakikita eh, kung dumating man sya. I don't care!!! May kasalanan pa nga sya sakin eh.  

“Hope so. Ang tagal naman kasi nya. Ang laki pa nitong venue kaya ang hirap maghagilap.”  Nilalamiig na ko. Gusto ko ng lumipat ng pwesto. Gusto ko pumasOk sa loob. 

"Baka naman nasa loob si Camille, tara samahan na kitang hanapin sya.”  Oh, buti na lang may nakakausap pa rin ako kahit pano. 

“Sige.”  Tumayo na kami. Hay sa wakas! Siguro naman hindi na masyado malamig sa loob. 

PagpasOk namin, nakita ko na magkausap habang nakaupo sa sofa sila Eunice and Warren. Si Warren?! Aba buti nakarating sya? Anong oras na kaya. It's 12 in the midnight. Is he drunk? Parang ang ewan na nya kausap eh. Lumapit kami ni Henry. 

“What's the matter Eunice?” Tanong ko. Si Warren naman yumuko nung nakilala ako. May hawak syang alak sa kamay. 

“Eto kasing si Warren kanina pa umiinom eh. Di pa daw sya lasing.”  Ano ba naman tong si Warren di na nahiya, uubusin nya yata drinks nila Eunice at nakakahiya naman sa bisita kung dito sya maglalasing. 

“Tss! Oo nga hindi halata! Pulang pula na nga sya eh.”  Lumapit naman si Henry kay Warren para alalayang tumayo.

“Bakit ba?! Wag nyo nga akong pakelaman. Di ko nga kayo pinakekelaman diba?!” Tinabig nya yung kamay ni Henry. Yung ibang bisita sa loob napatingin dahil sa sigaw ni Warren. Grabe di na sya talaga nahiya. Birthday to ni Eunice tapos eepal sya. 

“Teka Ash, hahanapin ko si Camille.”  Lumabas sa glass door si Eunice. Naiwan kaming tatlo nila Warren at Henry.

“Warren, ano ka ba? Wag kang gumawa ng eskandalo dito. Nakakahiya sa bisita.”  Tumayo sya, medyo napaurong naman ako. Malungkot yung expression face nya tapos nakatitig lang sya sakin. Ano na naman ba to?!  

“Tol! Lasing ka na.”  sabi Henry. Tumalikod naman samin si Warren. pumasOk sya sa isang room, and kung di ako nagkakamali eh CR yun. ng GIRL! From there may narinig kaming babaeng tumili. Lumapit naman ako agad. 

“Ah miss sorry. Lasing lang ‘tong kaibigan ko. Pasensya na.”  sabi ko sa girl. Dinala ko naman sya sa pinto ng CR na panlalaki. Ano ba yan. Nag-ewan expression lang kami pareho ni Henry.

“Ngayon ko lang nakitang maglasing yan.”  sabi ni Henry habang nakasandal sa pader. 

“Ako nga rin eh. alam ko kasi sa kape lang yan nalalasing.”  hehe mahilig kasi yun sa kape. Never ko pa talaga sya nakitang nag-inom ng ganon. 

“May problema kaya sya? Wala naman kasi syang nababanggit sakin.”  sakin din naman, at himala naman kung magsabi sakin yun ng problema. We're not close you know?

“Di ko alam. Parang wala namang nagiging problema yan.”  Infairness ang tagal nya ah? Ano bang gingawa nya sa loob? 

“PapasOk muna ko, baka kung ano ng nangyari sa kanya sa loob eh.”  

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon