Chapter 45 ~^.^~ Surprise

7.5K 152 32
                                    


Akira's POV


"Waaaahh!!!! I missed you!!!!" 

At last !! after almost 2 weeks nagkita din kami ni Prince Yoyong ko! :"> iiieee..

Tinapat niya yung kamay niya sakin na parang sinasabing wag akong lalapit.

"bakit?" ?.?

"Galing akong ospital baka may dala pa kong virus, mahawa ka pa."

Ganun?

Pagkatapos niya sabihin yun, umakyat siya sa kwarto niya.

Nakita ko din na lumabas na siya sa banyo after maligo. Hinintay ko siyang bumaba dito sa sala pero hindi so I decided to go to his room.

Wala ng katok katok sakin. Binuksan ko na lang yung pinto. Namiss ko kaya siya. ^_^

Naabutan kong nakaupo siya sa may baba ng kama niya, parang malalim ang iniisip. Napatingin naman agad siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"ahh..ehh..Kakamustahin ko lang sana ikaw at si Jinah."

"Ayos lang ako. Si Jinah kalalabas lang niya. Okay na siya."

"ahh buti naman ^__^..--"

Kakausapin ko pa sana siya at dapat din tatabi ako sa kanya pero..

"Pagod ako Akira. Magpapahinga na ko. May summer workshop pa kami bukas sa school."

"ahh..sige..sorry."

Lumabas na ko sa pinto.Bakit ganon siya? Di man lang ba niya sasabihin na namiss niya ko? or makikipagkwentuhan dahil ang tagal din naming di naguusap?

Baka nga pagod lang siya. Ang tagal niya ding walang pahinga. Aaminin kong medyo naiinggit ako kay Jinah dahil si Jiyoung lagi niyang kasama pero iniintindi ko naman dahil malapit naman sila sa isa't isa at kailangan ni Jinah ng dadamay sa kanya dahil wala ang mga parents niya. Tsaka nakakaawa siya. Gusto ko nga din sana siyang icomfort kaya lang sabi nila tita dito na lang daw ako.

Oh tama na nga!!  Change topic na!!

Bukas na yung birthday namin ni Jiyoung. May 8 na bukas!! and you know.... tomorrow na din yung...."YES! YES! YO!" ko kay Jiyoung. :""> And paghahandaan ko talaga 'to!! May naisip kasi akong surprise eh.

Gusto niyo malaman? Wag niyo sasabihin kahit kanino ah! Secret lang natin to! hihihi!

Tamang-tama pa dahil pupunta ng school si Jiyoung bukas. Mukhang nakalimutan niya na birthday niya. Ang naisip ko, puntahan siya sa school nila tapos hintayin ko siya hanggang uwian. Magdadala ako ng paborito niyang "CHOCOLATE CAKE!!!!" Ako mismo ang magbebake! Papaturo ako kay Tita Yohee. Actually alam na niya yung plano ko. Kami pa nga dalawa nagdecide kung ano ang gagawin. Supportive si tita! hehe.

I Met Mr.Cold on my Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon