Chapter 15 ~^.^~ Friends

8.6K 195 9
                                    

Jiyoung's POV

iniwan ko muna dun si Akira sa restaurant at nagmadali akong bumalik sa bahay para kunin yung wallet ko.

Pag di ko kasi nakuha yun, Di mageenjoy si Akira sa pamamasyal namin. Nagpromise pa naman ako sa kanya.

mga 15 mins. nandito na ko sa bahay at dirediretso ko sa kwarto. Kinuha ko yung wallet at umalis na din agad. Di na ko nagpakita kay mommy.

Nung naglalakad na ko malapit sa bus stop nakasalubong ko si..

Jinah....

"Hi Jiyoung. Pwede ba kitang makausap?"

"ahh.. ano kasi eh...."

Ano papayag ba ko?? Eh kasi naman naghihintay na si Akira. Engot pa naman yun.

"S..sige."

Sa huli pumayag din ako. Pumunta kami sa may playground at umupo sa swing.

Nagsimula na siyang magsalita. Tungkol sa school, academics, sa charity and stuffs.

Pero para kasing di ako mapakali kasi alam ko na may naghihintay sakin.

Nginingitian ko na lang siya.

"Ahmmm.. Jiyoung, I would like to tell you something."

Huh? kanina pa siya tell ng tell ng kung ano-ano ah. Di pa ba iyun yon?

Pero talagang di ko na matiis si Akira eh. Halos 2 hours na rin simula nung iwan ko siya dun.

"I like you too.."-Jinah

Di ko naintidihan yung sinabi ni Jinah kasi nga nabaBother na talaga ako kay engot.

"Jinah..I'm sorry ah.. I have to go na kasi. May pupuntahan kasi ako eh. Let's talk again some other time okay? Bye" 

Ngumiti lang ulit ako sa kanya at nagmadaling sumakay ng bus.

F*CK. Super traffic! 4 hours na...

Bumaba na lang ako at sumakay na lang sa taxi kaya lang...

Nagkabanggaan yung sinasakyan kong taxi at yung isa pa.

Nagaaway pa!!

SH*T lang! 

kaya naman naglakad na lang ako.

ay hindi pala lakad..

As in TAKBO

TAKBO 

TAKBO

TAKBO..

And finally nandito na ko sa may restaurant. Pumasok ako at..

BAKIT WALA SI AKIRA DITO?!

(In korean)

"Waiter, nasan na yung babae dito sa table na to? Yung petite na na cute?"

Tsk. Oo. Cute naman kasi talaga siya.

"Ahh.. Yung hindi nagbayad nung mga inorder niya? Sinama nung isang lalaki kanina pa eh. Lumabas na sila."

"WHAT?! LALAKI?!" Kwinelyuhan ko yung waiter.

"Ah..Opo sir.."

"SAN SILA NAGPUNTA?!"

"D--Di ko po alam."

F*CK SH*T! sino yun? Baka kung ano ng ginawa niya kay Akira! Madami pa man ding loko-loko dito sa lugar na to.

I don't know this feeling.

Sobrang alalang alala na ko.

Tumakbo ulit ako at hinanap si Akira.

I Met Mr.Cold on my Summer VacationWhere stories live. Discover now