Chapter 51 ~^.^~ New Friend

4.1K 135 17
                                    

Jiyoung's POV

Sumunod na lang ako papunta sa detention. Naiinis talaga ko sa sarili ko. Nadisappoint ko nanaman si Akira. Dapat di ko na pinatulan tong lalaking to.

Mr. Reyes and Mr. Aquino maupo kayo- Principal

Sumunod naman kami at naupo.

"2nd day palang nakikipagaway na kayo agad. Di ko na itatanong kung bakit. Childish acts, malalaki na kayo. Dapat alam niyo na yung mali at tama. At dahil sa ginawa niyong dalawa, parusa niyo ay ang maglinis ng classrooms after class. Maliwanag? "

"Opo" Sabay naming sagot.

"Okay you can go back to your rooms now. Wag na wag ng mauulit yung mga ginawa niyo ha."

Sabay kaming lumabas nung nakaaway ko.

"Diba ikaw yung transferee?"

"Oo."

"Pre pasensya ka na ha. Badtrip kasi ako kanina. Yung girlfriend ko kasi nakipagbreak. Hahahaha. Nakakatawa para kong bading. Sayo ko pa to sinasabi."

So medyo parehas kami ng pinagdadaanan.

"Sorry din. Pareho tayo.. Yung babaeng mahal ko kasi galit sakin. Dito din siya sa school na to."

"Ganun ba? Sino?"

"Si Akira Santos."

"Si Akira?? Magkakaklase tayo ngayon pre. Kaklase mo ko. Ako nga pala si Cyrus." 

"Jiyong nga pala." 

*brofist

"Pre ayos na tayo ha? Sorry talaga. Mali yung ginawa ko."- Cyrus

At nagsimula na kaming magkwentuhan. Kwinento niya sakin yung gf niya. Tiga ibang school. Nagbreak sila kasi mataas daw pride niya. Di niya napansin na pag nagaaway sila, masakit na pala siya magsalita.

Naalala ko tuloy noon. Ganun na ganun ako. Pero so Akira, masiyahin pa rin siya. Kahit sinusungitan ko siya, mabait pa rin siya sakin. Pero ngayon..

Si Cyrus, dalawa silang magkapatid. Parehas lalake. Mayaman ang pamilya nila. Di daw siya masyadong friendly. Wala siyang masasabing "tropa o barkada" May mga nakakasama siya minsan pero hindi permanente. 

Nagkwento rin ako ng tunay na nangyari samin ni Akira.

"Mahirap nga yan pare. Gusto mo tulungan kita? After class, magisip tayo ng mga pwedeng gawin. Habang naglilinis."

"Talaga?? Cyrus salamat. Maraming salamat. Magiging malaking tulong ka. Mas kabisado mo kasi takbo ng mga isip ng tao dito. Bago pa lang kasi ako. Ako din, tutulungan din kita sa problema mo."

At nagngitian kami ng bago kong kaibigan. 

"Cyrus pwede samahan mo ko sa canteen sandali? Bibilin ko lang yung grape juice para kay Akira?"

"Pwedeng pwede! HAHAHAHA. Natatawa tuloy ako sa nangyari kanina. Sorry talaga. Ang babaw ko. Nagalit ako dahil sumingit ka sa pila. Wag ka na kasing sisingit! HAHAHAHA"

Nagtawanan kami. Oo nga mukha kaming bata kanina. Nagsuntukan kami dahil dun.

Sabay na kaming nagpunta sa classroom pagkabili namin. Late na kami. Di na din kami nakadaan sa clinic para ipagamot mga pasa namin sa mukha,

Pumasok kami sa room. Kumpleto na sila pero buti nalang wala pa yung teacher.

"Uy anong nangyari sa inyo?? Bakit nagaway kayo??" Tanong ni Stephanie. Yung isa sa kaibigan ni Akira.

"Wala okay na kami ngayon." Ngiting sabi ni Cyrus. Nginitian ko na lang din si Stephanie.

Umupo na kami sa kanya kanyang upuan. At syempre, katabi ko si Akira. Di siya tumitingin sakin at halatang galit.

"Akira.. Sorry.. Di ko na talaga uulitin.. Eto nga pala yung grape juice oh. Sorry nalate. Nauuhaw ka na ba?"

Di niya pa din ako pinapansin. Pero kinuha niya yung grape juice. Natuwa naman ako dahol kahit galit siya, tinanggap niya pa din.

Pero..

Tumayo siya. Pumunta siya sa may basurahan at.. tinapon yung binili ko.

Dapat di ako masaktan kasi ako naman may kasalanan kung bakit nangyari 'to.Natapos ang buong araw na walang nagyaring maganda. Dahil di talaga ko kinausap ni Akira. 

"Akira, mauna ka na ha. Sorry di kita masasabayan ngayon, kailangan kasi namin maglinis ni Cyrus eh. Ingat ka ha. Babawi ako sayo pangako."

Tinalikuran niya lang ako na parang wala siyang narinig.

May tumapik sa likod ko.

"Pre pabayaan mo muna siya. Ako bahala. Magisip tayo ng magandang panunuyo."

Nagsimula na kaming maglinis ni Cyrus. Marami siyang naiisip. Sana nga maging okay kalabasan.

--------------------

TADAAAAA!!

OMG! NAMISS KO MAG TADAAAAA!! TT.TT

HI GUYS! Sana naaalala niyo pa ko. Sorry talaga ha!! 2 years ang nakalipas. Literal na TWO YEARS! Pasensya na kayo. huhuhu Sana magustuhan niyo padin tong story. And hopefully naaalala niyo pa. If di na, basahin nalang natin ulit! ng sabay sabay! Ako kasi, binasa ko ulit. Hehehe. Namiss ko kasi sila Akira at Jiyong at syempre namiss ko kayo! THANK YOU SA MGA DI AKO INIWAN KAHIT ANG TAGAL KO NAWALA! Love you guysss!!

I Met Mr.Cold on my Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon