CHAPTER 32

247 8 1
                                    


Henry Tan

Hindi malaman ng universe kung gaano ako kasaya ngayon, syempre sino ba naman ang hindi sasaya kung masosolo mo ang babaeng gusto mo, buti nalang nasa America ngayon yung hayop na Jinou na iyon, sa wakas makakadiskarte na ako ng mabuti kay Samantha.

"Mukhang masaya ka ngayon kabayo" napatingin ako kay Joshua, hindi ko nalang pinansin ang itinawag nito sa akin dahil mas priority ko si Samantha ngayon.

"May lakad ka?" tanong naman ni Julliane

"Oo kaya maiwan ko na muna kayo" napadako ang tingin ko kay Karen na ngayon ay nakatunganga lang, nakakunot rin ang noo niya at tila ba napakalalim ng iniisip niya"Best friend gusto mo ba ng French fries pag uwi ko?" paborito niya kasi iyon at saka pantanggal narin ng stress niya.

"Huwag mo na muna siyang kausapin Henry, may nalaman kasi siya na dapat ay hindi nalang niya nalaman" napatingin ako kay Elijah na kasalukuyang hinahalo ang kape niya "Kung saan ka man pupunta ngayon, mag iingat ka dahil hindi natin kilala ang mga traydor sa buhay natin, hindi rin natin alam kung kailan sila manunuklaw"

"Ahas lang? oo na, mag iingat kami" nag paalam na ako sa kanila, nilabas ko ang lumang scooter ko, kahit kailan hindi ko ikinahiya ang sasakyang ito.

Hindi naman nag tagal ay nakarating na ako sa restaurant kung saan kami mag kikita ni Samantha, buti nalang nauna na ako, ayaw ko naman siyang pag hintayin. Nag pareserve nalang ako ng table at ako narin ang nag order ng makakain namin. Habang hinihintay ko ang pag dating niya ay inilibot ko na muna ang mga mata ko sa paligid.

It's just a usual resto with a classical music as the background, usually couples and families lang ang laging costumer nito, maganda kasi ang view lalo na sa labas na makikita pa ang mga nag gagandahang ilaw. Suggest ko nga ito kay Liam kapag monthsary nila ni Karen, bukod sa romantic na ay baka mas lalo pa sila maiinlove.

"Sorry late ako, traffic kasi" natigilan ako ng may mag salitang babae sa harapan ko, si Samantha na nga ito.

"Okay lang" nakangiting saad ko, sakto namang dumating narin yung kakainin namin, nag simula narin kaming kumain.

"Bakit ka nga pala nag aya?" napatigil ako sa pag subo ng bigla siyang mag salita."Is there any occasion for today?"

"Wala naman, may gusto lang akong sabihin at tanungin"

"Ano naman iyon?"

"Gusto mo ba ako o ako lang ang nagkakagusto sayo?" seryosong tanong ko, napabitaw siya sa kutsarang hawak niya at napatitig sa akin, I knew it! Mag gusto siya sa akin, tama nga ako ng pag kakarinig kay Jinou "Sagutin mo ako"

"Ano ba naman klaseng tanong iyan Henry" natatawang saad niya pero nanatili lang seryoso ang mukha ko, though nag pipigil lang ako sap ag ngiti "Seryoso ka ba talaga?"

"Sagutin mo nalang yung tanong ko"

"Hindi kita gusto" natahimik ako sa itinuran niya, hindi ako pwedeng mag kamali..."Dahil mahal kita" wala sa sariling napangiti ako, tumayo ako at nag sisigaw.

"Whoo! Mahal ako ng babaeng ito! Mahal niya ako!!"

"Umupo ka nga Henry! Nakakahiya na!"

"Kinikilig ka lang diyan eh! Hahaha!...Aray ko naman! Akala ko ba mahal mo ako!" tumayo ako at hinatak siya patayo, I kiss her right in front of the customers here, wala akong pakealam sa mga nasapaligid namin, all I know is I want to hold her forever, I don't want her to apart from me.

Karen Rea Villanez

I can't believe what I have found out, hindi naman niya iyon magagawa dahil kasamahan namin siya at sigurado akong hindi niya magagawa iyon, na maging traydor sa buhay namin, I tried to contact him but he is not answering, hindi narin siya umuuwi dito at kung mag papakita man sa amin ay saglitan lang siya.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon