Introduction

1.6K 37 0
                                    

Masaya kaming nag lalaro ng aking mga kalaro ng bigla kaming nakarinig ng isang malakas na pag sabog, nanggaling ito sa isang parte ng hacienda namin.

Nagkatinginan kami ni Kuya at sabay naming tinakbo ito hanggang sa marating namin ang lugar kung saan nangyari ang pag sabog.

"Kuya anong nangyare?" sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay kinarga nalang niya ako at ramdam ko ang hawak niyang napakahigpit.

Magtatanong pa sana ako kaso hindi ko na nagawa pang ibuka ang bunganga ko dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko, isa-isa nilang pinatay ang mga taong nasa paligid namin. Tinangka ni Kuya na tumakas nalang pero naabutan kami ng mga lalakeng pumapatay.

"Huwag niyong sasaktan ang kapatid ko! Parang awa niyo na! Ako nalang ang patayin niyo" ibinaba niya ako pero hindi ko siya binitawan"Sasama ako sa inyo, ako lang naman ang kailangan niyo di ba? Huwag niyo na siyang idamay—" nanlaki ang mga mata ko ng isang malakas na putok ang narinig ko at kasabay nun ay ang pagbagsak ni Kuya.

"Kuya!!! Ahh!" hinila ako ng isang lalake gamit ang buhok ko at itinutok sa'kin ang hawak niya, ipuputok na niya sana ito ngunit mas pinili nalang niya akong suntukin at tuluyan na akong nawalan ng malay.


Nagising ako sa aking kwarto ng may mga benda ang katawan, bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ang mga nangyare.

"Kuya! Nasaan si Kuya!!" may pumasok na isang batang lalake at nilapitan ako

"Don't cry"

"Nasaan si Kuya?!!"

"Anak, wala na si Khalil, mag-ayos ka at luluwas na tayo ng Maynila" kahit na kagigising ko palang ay pinilit nila akong bumangon.

I've got a trauma and that is one of the reasons why I lost some of my memories, nang marating naming ang maynila ay saka ko lamang nalaman kung sino ang pumatay sa kuya ko at maging sa ibang mamamayan ng Heaven City.

Alcantara...wait for my sweetest revenge.

Her Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now