CHAPTER 15

327 13 2
                                    

Rheanne Go

Sabado ngayon pero may klase si Karen kaya mag-isa lang ako dito sa bahay, walang magawa kaya naisipan kong lumabas ng bahay at mamasyal, I just changed my clothes into something simple, nag shirt lang ako at fitted pants bago ako lumabas ng banyo, inayos ko lang yung pag kakaayos ng kulot kong buhok bago ako lumabas.

Pag labas ko ay sakto namang palabas narin si Joshua, gulo-gulo ang buhok niya at nakapangtulog pa. Kumunot ang noo niya ng makita akong nakabihis.

"Saan ka pupunta?"

"Mamamasyal lang Josh" sagot ko at tumungo na sa baba, naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"Saglit" tumigil ako at nilingon siya"Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?" tanong niya pero umiling nalang ako.

"Kaya ko ang sarili ko at saka nakakahiya rin sayo dahil tanghali na ay ngayon ka lang nakagising" medyo may pag ka sarkastikong saad ko bago ako tuluyang bumaba ng hagdanan.

Dumiretso ako sa parking area ng mansyon, bumili kami ni Karen ng bagong sasakyan kaya bale dalawa na ang meron sa amin na pwede naming gamitin. Marunong naman akong mag maneho hindi tulad ni Karen kaya hindi ko na kailangan pa ng driver para ipagmaneho ako.

Binuksan ko ang pintuan nito bago ako pumasok, nakita ko pa si Joshua na nag titimpla ng kape dahil glass window lang naman ang pagitan ng kusina at dito.

Binuhay ko na ang makina at dahan dahan sa pag mamaneho. Dumiretso nalang ako sa pinakamalapit na mall, naisipan ko kasi ang mag shopping, minsan lang naman ako lalabas ng mag isa kaya susulitin ko na.

Taas noo akong bumaba sa kotse ko, kita ko pa ang mga taong napapatingin sa akin pero hindi ko sila pinapansin dahil alam ko namang nagagandahan lang sila sa akin. Dumiretso na ako sa loob, una kong tinungo ay ang isang boutique na malapit lamang sa escalator. Pamilihan ito ng nag gagandahang mga damit na pang moderno ang dating.

"Good Afternoon Miss, how may I help you?" tanong ng isang sales lady na naka-abang sa pintuan, tumango lang ako sa kanya bago siya nilagpasan.

Nag hanap lang ako ng magandang damit na babagay sa akin bago ako tumungo sa mga shoes, bumili nalang ako ng dalawang pares ng stilletos bago ako dumiretso sa counter, ito nalang siguro muna ang bibilhin ko dahil medyo nag titipid ako. Nang mabayaran ko na ang pinamili ko ay lumabas na ako pero tumigil rin ako sa pag lalakad ng makasalubong ko si Izabelle at si Serenity na nakahawak pa ng starbucks coffee at tatlong paper bag.

"Oh! Karen best friend is here!" napataas ang isa kong kilay"Why are you alone? Iniwan ka ba ang best friend mo?"

"May klase siya ngayon at alam kong aware ka na sa schedule ni Ashton right? Pareha silang may klase ngayon" I bring up Ashton name to lure her, alam ko namang maiinis siya kapag binanggit ko.

"Rheanne tutal nandito na tayo, gusto ko sanang imbitahan kayo ni Karen sa nalalapit na kaarawan ko" nabaling ang tingin ko kay Izabelle na may kinakalkal sa bag niya"Sana makapunta kayo" inabot niya sa akin ang dalawang imbitasyon

"Salamat Izabelle, oo, makakapunta kami" ningitian ko siya at nang mapatingin ako kay Serenity ay napairap ako.

"Duh! Bakit mo pa kasi iimbitahan yang babaeng iyan?" maarteng saad niya, tsk! Hindi naman siya yung may birthday so wala siyang pake kung mag invite man si Izabelle.

"Excuse me Izabelle, kailangan ko narin kasi umuwi"

"Sumama ka nalang sa amin" mahinahong na saad niya.

"Nawalan na ako ng gana dahil nakita ko lang ang babaeng napakafeelingerang froglet" dahil sa sinabi ko kaya inabot niya ang buhok ko at pinag hihila iyon"Get off me bitch!" sigaw ko, fuck! Ang sakit.

Her Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now