CHAPTER 31

246 8 1
                                    

Izabelle Jade Alonzo

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang surpresang inihanda nila para sa akin, I didn't expect this one, sa sobrang pag kabusy pa man din nila ay naharap pa nilang ipag handa ako kahit na tapos na ang birthday ko.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng makita si Kuya na palapit sa akin, he is a caring brother, tila ba ay napakaswerte ko sa kanya kahit na minsan ay may pag kabading siya. Niyakap ko siya at nag pasalamat.

"Actually this is Elijah's idea" nabaling ang tingin ko kay Elijah na ngayon ay nakayuko lang.

"Really?" I felt awkward.

Elijah is my ex boyfriend and I don't know how we ended up just friends, aaminin ko naman na may gusto parin ako sa kanya, hindi naman nag iba iyon, I love him but he doesn't love me back. Hindi ko na nga maalala kung ano ang naging dahilan ng break up namin, basta ang alam ko lang ay masyado pa kaming bata noon.

Nag simula na silang kumain habang ako naman ay ito nakatitig kay Elijah na nakaupo na ngayon sa gilid, lalapitan ko n asana siya kaso mukhang may pupuntahan siya.

"Ano pang hinihintay mo Izabelle? Kain na!" pag aya ni Rheanne pero tumango lang ako at sinundan si Elijah.

"Sandali lang" tumigil siya sap ag lalakad at hinarap ako"Ikaw ba talaga ang nakaisip na isurpresa ako?"

"Oo" walang emosyong sagot niya "Sapat na ba iyon para pag bayaran ko ang kasalanan ko sayo?" lumapit ako sa kanya at ningitian ito.

"Wala ka namang kasalanan sa akin" napabuntong hininga siya, matalino itong si Elijah kaya medyo mahirap na makiusap sa kanya."Elijah bakit mo ba ginagawa ito?"

"Wala ka na roon Izabelle"

"I need an answer Elijah"

"It's only a friendly gift" napakamot siya sa batok niya, he is not good at lying.

"Friendly gift lang ba talaga?" umiling siya at tinalikuran na ako, ewan ko ba pero bigla nalang tumulo ang luha ko"Elijah wala na ba talagang natitira sa puso mo? Kahit katiting lang nap ag mamahal sa akin? Elijah mahal parin kita"

"Pasensya na pero hindi na kita mahal" natahimik ako dahil sa sinabi niya, wala na talaga akong pag asa, sana hindi nalang ako nag salita.

Karen Rea Villanez

Katatapos lang ng libing ni Janine at ito kami ngayon ni Henry, pauwi narin kami dahil may nangyari sa Heaven City, tahimik lang ako habang itong si Henry naman ay abala sa phone niya, hindi na nga niya ako pinapansin at saka kung makangiti siya ay parang baliw lang.

Tinusok ko ang tagiliran niya pero wala talaga kaya naman ay napairap nalang ako at itinuon ang pansin ko sa bintana ng bus. Yes, we took a bus but its okay, sanay naman akong sumakay sa mga ganito.

"Yes!" kunot noong napatingin ako sa kanya, ano na naman kaya ang problema niya ngayon?

"Anong Yes?"

"Ah wala haha" ayun pangiti ngiti parin"May itinatago ka ba?" napatingin ako sa phone niya, bago pa man niya mailayo ay nakita ko na yung pangalan ni Samantha na may heart pa"Kausap mo si Samantha?"

"Oo" tumahimik nalang ulit ako at napatingin nalang sa labas.

Nang marating na namin ang Heaven City ay tumungo na agad kami sa dormitoryo nila Henry, mukhang wala namang kakaibang nangyare dahil nga nag kakasayahan sila ngayon sa sala, movie marathon.

I fake a cough para naman makuha ko ang atensyon nilang lahat, agad na tumayo si Rheanne at niyakap ako, she worriedly looks at me.

"Ano yung sinasabi niyong may nakuha kayong bomba sa mga kwarto niyo?" inilibot ko ang paningin ko, wala si Liam"Nasaan si abo?"

Her Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now