20. The Eiffel Date. Part 2.

72 1 0
                                    

Sa wakas after ng ilang minutong paghihintay ay nakuha na din namin yung order namin. Okay naman yung ambience. Ewan ko lang sa presyo ng pagkain nila dito.

Inilapag na sa table namin yung dalawang plato na may kasama pang takip saka ito binuksan ng sabay nung waiter.

"Voila! Bon appetit.." sabi nung waiter. Kung hindi ako nagkakamali, ang ibig sabihin niyan ay Eto na! Lumamon na kayo!

Tama ba?

Napaka.henyo mo talaga, Jane! Ano bang IQ mo?! ;D

Sinubukan ko nang pagnasaan yung mga inorder ko pero clueless ako kung ano ang mga yun. Ang alam ko lang din ay yung escargot. Diba snails yun? Pinakuluan kaya nila yun? Hindi ko sure eh..

Meron pa yung parang ni-roast na manok na parang prinito din. May sauce pang nakakalat sa gilid. At kung ano-ano pa.. Ayoko na din i-describe. Parang exotic yata ang mga kakainin ko.. >...<

"Mark!" tawag ko sa lalakeng lumalamon na ngayon.

Pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagsugbo. Kain-mandirigma pala 'to!

Huminga na lang ako ng malalim at isang subuan na lang yung beef na ewan ko kung paano niluto. Masarap din siya! Ubos agad yung beef na yun dahil parang  2x3 inches lang ang laki niya. Inihalo ko na din yung pampalasa dun sa pork chuchu at isang subuan lang din. 2x2 inches naman siya.

Sukat na sukat noh?! Aba! Kelangan! Paano na lang kung.. Ay! Huwag na nga lang isipin.

Jean's POV

Hindi ko alam sa kasama ko pero ang gwapo niya ha! Gwapo siya pero parang nakakainis. May tinataglay siyang abnormalidad.. -___-

"Tara! Dito tayo.." turo niya sa Dance Central.

Eh? Wala akong practice! Hindi ako nasayaw sa Dance Central kung hindi ko ito kabisado.. Pina-practice ko kaya yan lahat sa bahay! Pati na din yung Just Dance.. At kung ano pang Dance na meron.

"Ayoko nga!" sabay halukipkip ako sa likod niya.

"Don't tell me, you don't know how to dance?" naka-smirk niyang sagot sa akin.

"I can sing, dance, act, eat, drink, sleep and exercise." walang gana kong sagot.

"I just want to see you dance with me in this?" turo niya dun sa mga babaeng sumasayaw na nasa Quantum.

"Wag na! Wala ako sa kondisyon eh.."

"Palusot mo!"

"Hindi ah.. Totoo yun!"

"Then prove it."

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon