7. The BIG BIRD Project: Part 1

90 2 0
                                    

July 24, 2013

Wednesday

ALAMIN ANG NATATAGONG 'ALAGA' NI MARK JASON !!!! XD

Jane's POV

Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa garden ng university. Kanina pa akong 7:00 dito pero 8:27 na at wala pa rin si Payat. Napaka-punctual talaga ng bestfriend ko noh?! Sana pala matagal ko nang pinakialaman yung orasan niya sa bahay niya at sinet yun ng advance 30 minutes.. (_ _ ) Buti na lang full charge ang phone ko kaya nakakapaglaro pa ko ngayon. Pero syempre.. Hinay-hinay lang sa battery.

Baka mamaya biglang tumawag yun at hindi na pala matutuloy ang plano edi nandito pa rin ako ngayon?!! Speaking of plano! Para yun kay Mark Jason hehe! Si Payat lang naman ang nakakaisip ng mga kalokohan para sa criteria namin. Naisip ko lang.. Kumusta na kaya si Mark ??

GAME OVER!

(A/N: Yan yung nakalagay sa screen ng phone nea..)

LECHE!!!! NATALO AKO!!!!! LEVEL 64 NA KO EH!

Kung iniisip mo kung ano ang nilalaro ko.. Ay candy crush lang naman. Ayoko nang maglaro! BADTRIP! >...< Makakasakal na ko ng tao!

Tiningnan ko yung wristwatch ko at 7:40 na! Naku naku nakuuuu!

"Ang tagal naman ng payat na yun! GRABE!" sabay sipa dun sa bato habang nakaupo ako. Napalakas din yung sipa ko kaya sana walang matamaan. *cross fingers*

"ANG TAGAAAAAAAL MO PAYAT!!!!!!" sigaw ko sa kawalan. Naiinis na ko eh! Bakit ba? Sana naman dumating na siya. Naiinip na TALAGA ako kakahintay dito.

"TABAAAAAAAAA!!!!! ANDYAN NAAAAAA!!!!"

O_____O

Weh? Hindi nga? Hallucination ko yata yun dahil sa sobrang pagi-imagine ko na SANA DUMATING NA YUNG BABAENG YUN!

"TABAAAAAAAA!!!!" sigaw ulit nung makulit na yun. Hay salamat! Dumating na din sa wakas!

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ko naghihintay dito tapos ngayon ka lang darating!!!" panimula ko kay Payat na hingal na hingal. Mukhang malayo ang tinakbo neto.

"Churi naman *hingal* Nasira kasi yung car ko so.. *hingal* nagpasexy muna ko *hingal* sa paglalakad.." Sabi niya habang binabalik sa normal yung paghinga niya. Saka naupo sa tabi ko.

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon