11. Jane Rocks!

52 1 0
                                    

Jane's POV

Hindi ko alam kung bakit siya tumayo agad. Pero feeling ko, hindi siya komportable na pag-usapan yung tungkol sa family niya. Maybe there's something happened before kaya ganun siya.

Kailangan makita niya yung side ko na maunawain. Aba! Hindi ko pa rin nakakalimutan yung mission ko noh ?!

Pero mamaya na yun! Hahanapin ko muna si Mark. In fairness, nabusog talaga ako sa niluto niya. Ang sarap! Sana nag-culinary na lang siya.

Lalabas na sana ako ng dining area ng may maalala ako.

Pano na yung pinagkainan namin?

=_____=

Ano ba 'yan??! Hindi pa nga kami kinakasal may gawain na ako kaagad. Tsk.

"Haisst.. Babawi talaga ako sa'yo Mark!" bulong ko sa sarili ko habang naghuhugas na ng pinagkainan namin. Sinigurado ko na malinis na yung table.

Isama mo na rin yung sandamakmak na scented candles na upos na!

Sa bahay namin hindi uso yung kandila. Flashlight lang! Kaya medyo natagalan din ako sa pagkayod nun sa kinalalagyan nila.

Patapos na ko sa paghuhugas ko ng maalala ko ulit si Mark.

Hindi ba siya bababa?

Kung lalapit ako dapat may topic ako na mapag-uusapan namin.. Hindi pwede yung puchu-puchu lang!

"Kapalit ng pagluluto ko. You'll stay in my house while you're my slave and do things when I command you to do."

TING!

I'm a slave! :D

---

"Yeah! About the slave thing! Linisin mo na yung kwarto ko. Punasan mo din yung furnitures, but be careful. Tapos paki-trim na din yung damo sa labas, pakilampaso na din yung sahig. Madumi na. Pakainin mo na din si Dior pagkatapos mong maglampaso." sabi sakin nung impaktong lalaking to!

"Ang dami naman! Slave mo lang ako, hindi katulong!" reklamo ko. Tama naman ako diba? Slave ako! Hindi katulong, kakaibang gawain!

"Whether you're a slave or a maid. Pareho lang yun. The only difference is.. ang maid may choice. Ikaw, wala!" sagot niya habang prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.

"At ano naman yung choice nung maid?"

"Pwede siyang umalis. Binabayaran siya para maglinis ng bahay, diba?"

"Oo nga! Pero hindi mo ko binabayaran!" katwiran ko. Kasi magkaiba talaga yun eh.

"Ang gulo mo! Para slave lang at maid hindi mo gets!" napatayo na siya sa sobrang inis. Kahit hindi na maganda ang tono niya, ang gwapo pa rin niya.

"Iba na lang, Mark!"

Then he faced me with his poker face.

"Call me, Master!" he smirked then left.

"Utot mo!" sigaw ko sa kanya habang papalayo. Malay ko sa kanya kung saan na siya pupunta.

Ano nang gagawin ko? Sigurado akong iche-check niya talaga yung iniutos niya kung ginawa ko ba o hindi. Eh hindi pa naman ako sanay sa gawaing-bahay.

Then an idea came into me like a flash! *smirk*

---

"Inday! Dapat pantay-pantay yan ha!" turo ko sa maid ko na nagti-trim ng damo. Pumasok ako sa loob para i-check naman si Bea na naglalampaso ng sahig.

"Gusto ko kumikintab yang sahig, Bea ha! Dapat nakikita yung panty mo, kung hindi. Hindi ka matatapos diyan!" Half-meant kong sabi sa isa ko pang katulong.

Ang sarap ng buhay! Tinawagan ko na kanina si Jean about sa mission ko. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ko masasabi kay Mark ang tungkol sa kasalan namin. Ang weird lang diba? Ilang araw na lang..

Kelangan na niya yun pag-isipan pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Alam ko naman na hindi siya masu-surprise.

SHOCKED.

Yun ang tamand term.

Sa ngayon, gusto ko munang mag-ipon ng lakas ng loob. Baka hindi lang mura ang abutin ko sa kanya kapag nagkataon, kundi dagok sa sikmura.

--

A/N:

 Pambihira! Second UD ko na to naung araw ! *clap.clap.clap* XD I'm so happy for myself!

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon