SEASON II: Chapter 40: 'Son-in-law'

15.6K 249 26
                                    

POLO'S POV

Nakauwi na ang lahat at nandito na ko sa bahay.

Naga-ayos  ako para sa dinner na inalok ng mga Alford.

Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso na ako sa kotse at nag-drive patungo sa bahay nila.

Tinext sakin ni yanna ang address at agad na nag-park ako don.

Bumaba ako at nakita ang isang guard na nagbabantay sa pinto.

"Goodevening ho! Ano pong maipaglilingkod ko sainyo sir?" bati niya.

"Nandiyan ba si tito Pathrick?"

"Ah, nasa loob ho. Sino ho sila?" tanong niya.

"Polo Clarkson."

Agad na ngumiti siya at pinapasok ako.

Nasa pinto palang ako ng..

"Oh? Pathrick! Nandito na ang bisita mo." sigaw ng isang matandang babae na sumalubong sakin.

Ngumiti siya sakin at nginitian ko siya.

Pinapasok niya ako at nagulat pa ako dahil may isang malaking family picture sa dingding.

Isang batang babae at mukhang si Yanna yon.

"Oh, polo? Tara na sa garden."

Napalingon ako  ng marinig ko ang boses ni tito pathrick.

It's quiet awkward to call her tito, but I need to.

"Goodevening tito." bati ko.

"Mmm, goodevening. Come, follow me." tugon niya at naglakad papalabas.

Naglakad na ako at sumunod sakanya.

Lumabas kami sa garden at medyo nagulat pa ako dahil fully-organized yon.

Nasa tapat ko ang dinning table na may 12 seats.

Nagtataka pa ako kung bakit andami pero di ko na pinansin.

Lumingon ako sa gilid non at nakita ang iba't ibang klase ng drinks.

Mukhang darating anf iba nilang kamag-anak.

Napaigtad ako ng maramdaman ang pagtapik ng kamay ni tito sa balikat ko.

Nasa gilid ko siya at ng lingonin ko siya ay may hawak siyang wine glass.

"Alam mo bang ikaw ang unang lalaking isinama niya sa puntod ng mama niya?"

Napalingon ako ng magsalita si tito, hindi siya nakatingin sakin.

Umiwas ako ng tingin.

"I never imagined her to be that comfortable, lalo na't nandon siya sa mama niya. Every year, pag dumadating ang araw na toh, nandon lang siya buong araw uuwi lang siya pag-gabi na. Minsan sinusundo pa namin siya dahil ayaw niyang umuwi.."

"Sobrang mahal na mahal niya si Amber kaya siguro ganon kasakit para sakanya na mawala toh. Nasaktan kami, sobra pa sa sakit na naramdaman niya but we have no choice but to let go and let God. " dagdag niya at napayuko ako.

"Thank you for doing that. I owe you a lot."

Napalingon ako ng sabihin niya yon.

"Doing what?" ako.

Tumingin siya sakin kaya napalingon din ako.

"For treating my daughter, special." nakangiting sagot niya.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon