SEASON III: Chapter 56: The Lost Queen.

8.9K 175 4
                                    

Chapter 56: The Lost Queen.

"B-baby, call daddy please."

Napalingon ako sakanya nang marinig ang panghihina sa boses niya.

"Wife, namumutla ka. Calm down, don't stress yourself please. I can drive baby, we can switch place." Nagaalalang sambit ko.

"Just..just call daddy." Usal niya saka muling tinapakan ang accelerator.

Agad na tinawagan ko si Tito Pathrick.

"Loudspeaker." Utos ni Yanna.

"Hijo.." -Tito Pat.

"Daddy!" sigaw ni Yanna.

"Anak, nasan ka ba?! Si Rexanne, sobrang taas ng lagnat!" natatarantang sabi ni tito.

"I'm on my way dad! Nasan si Rex?!" -Yanna.

"Nasa E.R siya. "

"Dad, sila kuya?" tanong ni Yanna.

"Jet, kapatid mo o!" sigaw ni tito.

"YANYAN! Lintek, nasan ka ba!? Napakataas ng lagnat ni Rexanne, jusko." Inis na sabi ni jet.

"Papunta na kuya."

Nang ibaba ang tawag ay lumingon ako sakanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at medyo nabigla siya.

Hinalikan ko yon at naramdaman ko ang pagkalma niya kahit papano.

Nang marating namin ang ospital ay agad na bumaba kami. Hawak ko ang kamay niya nang marating namin ang ospital.

"Rexanne Villafuerte." Usal ko sa station.

"Nasa E.R po, sir."

Tumakbo kami sa Emergency room at naabutan sila Kuya Jet na nakayakap kay Ate Jewel na nakaabang sa pinto.

Si Tito pat ay may kausap sa telepono.

"Kuya!" sigaw ni Yanna.

Agad na niyakap niya si Jet at si Jewel.

"Nak." Tawag pansin ni Tito Pat kay Yanna.

"Bro.." bati sakin ni kuya Jet at niyakap ako.

"Polo.." malungkot na tawag ni Ate jewel.

"Ate.." tawag ko.

Napalingon ako kay Yanna na ngayo'y yakap ng tatay iya.

"Kamusta na daw si Rex?" tanong ko.

"Hindi pa lumalabas yung doctor mula kanina e."

Agad na nanlumo ako at napaupo sa bench.

Nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Kuya Jet.

"Kakayanin ng anak mo yan, si Rex pa ba? Eh mana sainyong dalawa yan ni Yanna." Nakangiting sabi niya.

"Sino po ang parents ng pasyente?" labas ng isang babaeng doctor.

"Ako." Usal ni Yanna.

"Kami." Sambit ko saka nilapitan si Yanna at hinawakan ang kamay.

"Baby rexanne's out of harm." Sambit niya na ikinaluwag ng dibdib ko.

"But, I'll be honest to say na dengue ang sakit niya. Hindi malala, pero hindi mo parin masasabing di nakakapangamba. Delikado ang dengue para sa isang 4 months old na baby, buti nalang at masyadong healthy si baby at nagawang kayanin nang resistensya niya."

Naramdaman ko ang pagkapit ni Yanna sakin kaya napaakbay ako sakanya.

"Ohmygod." Rinig kong usal ni Ate jewel.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon