SEASON III: Chapter 59: Ultimate Clash.

8.1K 182 6
                                    

Chapter 59: Ultimate clash.

ALFREIY's POV

Mula sa madilim na lugar ay nakaabang na ang iilang RCGnians.

Napasok na ng mga Yuriya ang loob at naghihintay nalang kami ng signal mula sa tao ko.

"Rage, san ka?" rinig kong tanong ni Polo.

"Lower ground ako." –Rage.

Naglakad na ako papalayo.

"Alfreiy, 3 sa pangalawang kanto." Usal ni Kram kaya naghanda ako.

Sumilip ako sa pader at nakita ang tatlong tao. Binaril ko ang isa, kasunod ang pagtakbo sakin ng dalawa.

Yumuko ako saka binaril ang dalawa.

"Location ni Zeus?" tanong ni Arvie.

"Nasa  safe room sila, kasama si King." Sagot ni Hera.

Tumakbo na ako paakyat sa 3rd floor ng makita kong wala ng tao sa 2nd floor.

"Alfreiy, may nakaplant na bomba diyan 3 meters from your location." Natatarantang sabi ni  Hera kaya tumakbo ako pababa ng hagdan.

"Beb, san ka?" tanong ni Rence.

"Hagdan patungong 3rd floor." Sagot ko.

"I'm on my way." 

Hindi nako nakipagtalo sakanya baka kami pa magkapatayan.

Nang marinig ko ang pagsabog ay bahagya akong napakapit sa hagdan sa lakas nito.

"Beb!" nagulat ako nang may biglang kumapit sa bewang ko.

Hinalikan niya ko sa pisngi saka ako itinayo.

"Alfreiy, kailangan ka namin sa Sala." Utos ni Rage kaya wala akong nagawa kundi bumaba.

Pagdating ko sa pinto ay bukas ang ilaw.

Nandon sila Arvie. Kumuha ako ng tissue saka pinadausdos sa switch ng ilaw. Nagulat kami ng magpirapiraso yon.

"Masyadong marami ang blade ng ilaw." Sambit ko.

"Nhicka, ikaw ang pumatay ng switch." Utos ni Rage.

Nasa kabilang dulo ng sala si Nhicka. Dumaan siya sa ilalim na medyo mahirap.

Tumango si Nhicka saka nagsuot ng salamin. Kinuha niya ang blade niya kaya napayuko na kami.

Nang ihagis niya ang blade ay namatay ang ilaw hudyat na napatay niya ang switch nito.

Lumitaw ang kung ano-anong pulang linya.

"Kami na ni Arvie at alfreiy ang aakyat sa safe room, bumalik na kayo sa station niyo." Utos ni Rage.

Nagumpisa na kaming gumapang at humakbang sa mga napakakomplikadong linya.

Nauna si Yanna at sumunod ako. Hahakbang pa sana ulit ako nang di ko namalayan ang isang mahabang linya sa braso ko kaya napunit ang damit ko.

"Sht." Usal ko.

Tapos na si Yanna, at patapos na ako.

Nang makarating na si Arvie ay umakyat na kami sa safe room.

Itinaas ko ang baril ko saka pinaputukan ang pinto.

"Yuko!" sigaw ni Rage nang bumalik yung bala sa direksyon namin.

"Bulletproof." Usal ni Arvie.

"May nakabaong bomba diyan, in 3 minutes sasabog yon. Abangan niyo." Usal ni Kram.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon