SEASON III: Chapter 53: What's yours; what's mine!

11.9K 228 15
                                    

Enjoy! :)


Chapter 53: What's yours? What's mine?

POLO's POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang mangyari yon sa training ground.

I never knew I could be this much happy.  This is different. Yung feeling na minsan di ka na makatulog kasi di mo siya kasama? Damn! I'm crazy.

"Dre, nakangiti ka nanaman diyan."

Napalingon ako at nakita si Cads sa tabi ko.

"Siya na ba?" tanong niya.

"She is." Sagot ko.

"Sa wakas dre, natuto ka nang mainlove sa tamang tao." Nagulat ako nang sabihin niya yon.

"Maling tao pala si Jasmine kung ganon?" natatawang tanong ko.

"Sa totoo lang, akala ko talaga for life na kayo ni Jas dre. Pero nung nakita ko si Yanna, dre seryoso alam ko na may kakaiba sakanya na di ko maexplain." Sagot niya.

"Inamo dre, ayusin mo girlfriend ko na yon!" sagot ko.

"Gago, hahaha! Magaan ang loob ko tuwing magkasama kayo. Kahit sila Jake, boto kay yanna kesa kay Jas eh." Sagot niya na ikinangiti ko.

"I can't loose yanna this time." Mariing sabi ko.

"Then, appreciate her. Onti nalang yung mga babaeng katulad nila dre." Sagot nito sakin.

"Ano wala kang balak dumalaw sa mag-ina mo? Tapos na practice natin oh, didiretso na kami don." Tanong niya.

Agad na kinuha ko ang sports bag ko at towel ko saka dumiretso sa parking.

Pagdating don ay nandon na sila Jake at Stephen.

"Dre, tara na hinihintay na tayo ng mga girls don sa mansion nila Yanna." Bungad ni Jake.

Tumango ako sakanila saka kami nagsipasok sa kotse at nagdrive papunta don.

Dinner time na at don namin napagisipang magdinner.

Pagdating namin sa harap ng bahay nila ay sinakop namin ang parking space nito.

Pagbaba ay agad na nagdoorbell si Cads.

"ANDYAN NA SILAAAA!!!" rinig naming sigaw ni Arvie.

"Napakatahimik talaga ng girlfriend mo, dre." Natatawang biro ni Stephen kay Cads.

"Gago ahahahaha." Sagot niya.

Maya maya pa ay lumabas na sila Arvie, agad na hinanap ng mata ko ang mag-ina ko.

Huli siyang lumabas buhat si Rexanne.

Napangiti ako bigla, seeing her waiting from me with my child is somehow the best feeling.

Dumiretso ako sa kanya saka siya hinalikan sa cheeks. Tapos ay hinalikan ko sa noo si Rex.

"Practice?" tanong niya nang makitang nakajersey ako.

"Mmm." Sagot ko.

Kinuha niya ang kamay ko saka ako iginayak papasok.

"Kumain kana muna, pagod ka." Sagot niya saka inilapag si Rex sa crib na nasa sala.

"Hi baby rex." Bati nila Cads kay rexanne.

"Manang nandito na sila." Sigaw ni Yanna saka kami pumasok sa dinning.

Nagulat pa kami sa dami nang nakahain.

"Di niyo manlang sinabi na piyesta pala dito?" bungad ni Stephen.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon