Chapter 38

18 0 0
                                    

Chapter 38

“Hi friends!” sigaw ni ate Rikka pagkapasok naming apat nina Logan, Ben, Sarah at ako.

Nasa resort na kami papasok sa same hut na kung saan kami nagstay noon. Andito na halos lahat ng barkada. Well, except nga lang kay Amanda. Hindi ko alam kung nakalipad na ba sila since sabi nya by the end of school or sometime in April. Hindi ko alam ang tunay na feelings ni Logan. Minsan, ang saya nya; minsan, sobrang lungkot.

“Tara.” Sabi ni Brad at pumasok sa loob.

“Ali, sorry. Hindi pala kita natext noh?” sabi ni ate Rikka.

“Oo nga eh. Pero okay lang. Ibig sabihin lang nyan na tumatanda ka na. Hahaha.”

“Haha. Ewan ko sayo Alison. Hahaha. Pero talaga?”

“Hahaha. Oo naman. Congrats nga pala ha.”

She smiled. “Thank you.”

At kanya-kanya kaming pumasok sa kwarto. Boys pa din sa kabilang room at girls sa isa. Kaso apat na babae lang kami kasama si Jade.

“Ate, pupunta ba si Jack dito?” tanong ni Sarah. Sino si Jake? Hindi kaya…

“Oo raw. Pero bukas pa ata. Bukas pa pwede girlfriend nya.”

“Sino si Jack?”

“Kaibigan namin. Sumasama sya before kaso hindi na ngayon. Busy sa girlfriend.”

“Haha. Oo nga naman. Kahit na saglit lang ako nakasali, napapansin ko sya na madalas sumasama before pero hindi na ngayon.” Sabi ni Rikka.

“Ahh. May ganun nga talaga. Buti nga’t hindi ganyan si ate. Haha.” sabi ko. Tumawa naman kaming lahat.

“Jade, kumusta?” tanong ni ate.

“Mabuti naman Rik. Tutugtog ba sila ngayon?”

“Mukhang hindi eh.”

“Ahh.”

“Punta muna tayo sa dagat matapos nito. Hindi na naman mainit kasi four na.”

“Sure.” Sabi namin.

***

Nasa beachside kami at dala ng mga lalake ang dalawang gitara at nagtutugtog. Sabay naman kami sa tunog ng pag-gigitara ni Ben at Brad. Kung matapos ang isang kanta, mag-uusap-usap at tawanan habang nag-iisip ng next song.

“Ano pa ba ang kakantahin natin?” tanong ni Brad.

“Ano pa kaya mo?” sabi ni Sarah.

“Hmmm…  Ben, ano pa ba?”

“Ano nga ba?”

“Hahahaha. Kayong dalawa bilis! Hahaha.” Sabi ni Logan.

“Ah ito nalang. I’m Yours tayo Ben.”

“Sige.” Tapos nagsimula silang tumugtog ng I’m Yours by Jason Mraz.

Open up your mind

And see like me

Open up your plans

And damn your free

Look into my heart

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon