Chapter 25

25 0 0
                                    

Chapter 25

“Hi Andrea! Namiss kita ng sobra.” Sabi ni ate Amu.

“Ako din Am.” sabi ng Andrea. Nagyakapan silang dalawa.

“Kumusta? Where is David?”

“Okay na okay na. Nasa bahay si David kasama sina mama.”

“Ahh…”

“Sino si David?” tanong ni Ben.

“Hi Ben! Sabihin ko lang mamaya. Hehe.”

“Okay.”

“Ay Andi, si Rikka…” turo nya kay ate Rikka at naghi din si ate Rikka. Tapos isa-isa kaming pinakilala.

“Hello. Nice to meet you. Sorry kung nalate. Hehe.”

“Okay lang yan. Nice to meet you too.” Sabi ni Drake.

“Okay, magstart na tayo. Ako mauna.” Sabi ni ate Amu.

Tumayo si ate amu sa gitna habang kaming lahat ay nakaupo na nakapalibot sa kanya. Itinabi ko muna yung extra foods. Hehe. Katabi ko pa rin ngayon si Max sa kaliwa at si Ben sa kanan. Katabi naman ni Ben si Andrea.

Sino ba yang si Andrea? Huhu. Sobrang close talaga nilang magkapatid sa kanya ah. Nagsalita na si ate Amu.

“Since may guest tayo ngayon fresh from London, haha, at kami lang ni Ben nakakakilala sa kanya at ako lang ang may alam na pupunta sya dito,” sabi nya. “para masurprise din kayo na talagang halata,” parang pabulong na sabi. “Ang aking regalo ay ibibigay ko sa kanya. Tumayo ka na Andi at kunin mo na regalo ko.”

Nagpalakpakan kami.

“Yehey!” sigaw ni Max.

“Hahaha. Thank you very much, Am. I wonder what this not-so-big-box is. Haha.”

“Open mo na, dali!”

“Excited? Di ba tayo sabay mag-open?”

“Wag na. kung sinong kukuha ng gift nya ay buksan agad dito sa gitna.” Tapos tinignan kami. “Okay ba yun?”

“Well, sige na nga lang. Hahaha.” Sabi ni Logan.

“Okay. So… open it!”

Andrea is unwrapping her gift. Then, nakita namin ay dalawang bagay. Ang isa ay photo album na may lamang konting pictures nila nung bata pa. ang isa ay isang pouch na color sky blue. So, I conclude na childhood friends talaga silang tatlo.

“Awww thanks Am. Namiss ko talaga to.”

Ate Amu responded with a smile.

“Sige, ako na naman. Sabi nga ni Amu, ngayon lang ulit ako nakabalik at hindi ko pa kayo kilala. Kaya ang bibigyan ko ng regalo ay si… Ben.” Tumingin sya kay Ben at ngumiti.

“Yey! Ayiee… hahaha.” si Max na naman.

Tumayo si Ben at pumunta sa gitna. Inabot ni Andrea ang regalo kay Ben. Bumulong sa akin si Max.

“Crush ni Ben yan.”

“Oh. Talaga?”

“Uh-huh. Pero noon lang. Ewan ko ngayon.”

“Ahh. Ang ganda nga naman eh. Sino bang hindi magkagusto.” Sabi ko. Ouch lang ha. Pero totoo naman talagang maganda sya. Bumalik na sya at muling ibalik naman it okay Ben. Huhu. Keribells lang yan. Haha.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon