Chapter 15

37 0 0
                                    

15

“Wow! Bongga naman pala kayo. Ang daming tao. Ang daming listeners ah.” Sabi ko ng nakapasok kami sa resto. Umupo na din kami sa side kung saan malapit yung band. May nauna palang band na kumakanta sa kanilang Ben. Pero isang oras na lang mags-shift na sila.

“Oo nga. Ganito ba talaga ka dami ang tao dito?” tanong ni Amanda.

“Sa aming pagplay dito, marami talagang tao. Haha. Ewan lang sa ibang mga araw.” Sabi ni Max.

“Sikat pala pre ah. Haha.” Sambat ni Logan.

“Pero marami talagang kumakain dito. Pero oo nga, mas dumami kung kami na tutugtog. Hehe.” Sabi ni Brad.

“Astig din kayo eh. Noh? Hehe.” sabi ko

“Dumami pumupunta ngayon dahil kakanta si Rikka.” Sambat ni Drake. Nagblush naman si Ate Rikka. Ito talagang si Drake oo.

“Ayiiiiiieeee!”

“Oy! Aminin nyo nga, kayo na ba?” Lloyd blurted out.

Wala namang nagsalita sa kanilang dalawa. Sabay silang napatingin sa isa’t isa at yumuko. Si Lloyd pala kasama yung girlfriend nya na kakarating lang.

“Eeeeeeiit! Ate, umamin ka nga.” Sabi ko at tinutusok-tusok tagiliran nya.

“H-hindi pa kami noh!” Biglang sabi  ni Drake.

“Hindi PA? PA?!”

“O-oo… B-bakit?”

“Eeeeeiit! Nanliligaw na yan. Hahahaha.” Sabi ni Logan. Nakita kong pulang pula na si Drake.

“Kailan mo ba sasagutin Rikka? Haha.” Tanong ni Brad.

“Ewan ko sa inyo. Bleeh!”

     Hahahahaha. Puno ng tawanan kami sa upuan. Di rin naman ganoon ka lakas boses namin eh. At lumapit na sa amin ang isang waiter at nilagay yung pagkain sa mesa. Yung mama na ni Brad ang nag-alok ng pagkain kaya eto, nakalibre. Hehehe. At medyo marami ring hinatid sa aming pagkain ah…

“SALAMAT!!” sabi namin sa nagserve. Ngumiti at tuluyan na syang umalis.

“Kainan na! Bless the food Riks.” Sabi ni Brad.

     Then, kami ay kumain ng kumain. Im not really into of seafoods pero in fairness, nasarapan talaga ako. Yummy! Habang kumakain ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan. I almost choke nung ng joke si Drake o pick up line ba yun kay Ate Rikka. Ang CORNY! Hahaha. Yung feeling na natatawa ka di dahil sa funny yung joke kundi dahil ang corny ng joke.

***

Mabuti pa sa lotto

May pag-asang manalo

'Di tulad sayo

Imposible

Prinsesa ka

Ako'y dukha

Sa TV lang naman kasi may mangyayari

At kahit mahal kita

Wala akong magagawa

Tanggap ko 'to aking sinta

Pangarap lang kita

Nagsimula ng kumanta si Ben. Banda na pala nila ang nakashift ngayon. At mostly, duets yung kinakanta nila. Paminsan minsan ay may nag-aabot ng papel sa kanila at nagrerequest.

Ang hirap maging babae

Kung torpe yung lalaki

Kahit may gusto ka

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon