Chapter 8

45 1 2
                                    

   8

[Rikka’s POV]

  At heto na sina Ben kasama ang banda niya. Kasama si Brad, Max, Lloyd, at si Drake! Haha. Si Ali na lang hinihintay ko.

“Rik!” tawag ni Ben.

“Hi!”

“Hi Rikka!” bati sa akin ng group niya.

Umupo sila. Sa tabi ko si Max at Lloyd. Ang nasa tapat ko ay si Ben, Drake at Brad.

“Rikka, punta ka naman sa gig namin. Kumanta ka rin ulit kasama ng banda. Gustong-gusto ‘yan ni Drake. Di ba Drake? HAHAHAHA” Sabi ni Max.

Namumula si Drake at binatukan si Max. Ako din namumula. Tumawa na lang kaming lahat.

“Naku, tignan ko lang. Haha.”

Nakita ko si Alison at kinawayan. Ewan ko kung na notice niya at naka-earphone pa, alangan naman tawagin ko siya, hindi rin ako maririnig.

Ayun! Napansin din.

“Hi Ali! Halika!” tinanggal niya ‘yun earphones nya.

“Hello, ate Rikka!” nakasmile siya at halatang na baguhan sa mukhang kasama ko. Kita ko naman mukha ng boys nakangiti. Lalo na si Ben – nakangiti na parang gulat.

“Tabi tayo! ‘Eto pala kabanda ni Ben.”

“Ahh… Eh… H-hello.” Sabi ni Ali.

“Oy, magpakilala naman kayo. Ben, ipakilala mo sila.” Sabi ko. Halatang nagulat si Ben sa sinabi ko.

“Ahh… Si ano…” Sabi ni Ben. Tongue tied? Hmm…

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon