Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]

105K 1.6K 189
                                    

Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]

3rd and last part of the flashbacks! Sorry for the wait XD Comment and vote if you liked this chapter 
And ang weird lang ng spacing, bumalik ata sa double spaced? Whatevs. Enjoy reading! XD
--

JUNE

Sabi ng ilan, 3rd year daw ang pinakamasayang year ng high school. Pag 4th year kasi, ang daming gagawin, tapos madrama pa. 3rd year ang taon kung san ka pa pwede magloko at mag-enjoy. Kasi the next year.. alam na.

Ang 3rd year nila ay nagsimula sa maraming pagbabago.

Katulad ni Chester.


(O___O) (O___O)

Nganga ang lahat nang pumasok si Chester sa classroom ng III-Mendel. As in.. nganga.


"P*t@ngina!!! CHESTER SISON IKAW BA YAN!?! NASAN NA ANG BESTFRIEND KO@!?" sigaw ni Barbs.

Sina Rocky, Vivien.. at lalo na si Janine.. speechless.

Kasi ibang-iba na si Chester.

Hindi na sya yung payatot at pandak na nerdy classmate nila. Ang Chester ngayon.. ay isang hottie na. Well hindi naman as in hottie ala Enchong Dee. Ang laki ng pinagbago nya: tumangkad at nagkaron na sya ng ilang muscles. They can't believe it. As in.

"Uuhh guys.. ako 'to."

Wag nga lang syang pagsasalitain, para pa rin syang nerd.

"Shet mygad anong ginawa ng Bicol sayo Chester!?!" gusto nang magwala ni Barbs. Di sya makapaniwala na magiging.. tao ang bestfriend nya in 2 months! Well matagal naman syang umiinom ng supplements pero.. BASTA!!

"Nag-exercise lang naman ako dun. Grabe ka namang makareact dyan." Umupo sya sa tabi ni Janine. "Hi Janjan."

"Kaya pala ayaw mong makipagvideo chat hah. Surprise pala yan," medyo natatawang sabi ni Janine.

"Sorry, busy talaga ako sa Bicol. Bukid and stuff."

Di alam ni Janine ang dapat nyang maramdaman sa bagong Chester. Well.. he became more attractive now. Dati pa namang gwapo sa paningin nya si Chester kaso syempre iba pa rin talaga ngayon. She's feeling giddy all over.. pero ayaw nyang ipahalata yon.

"Shet Pugs ikaw ba yan?"

Gulat na gulat si Wes nang makita nya si Chester. Dati pa kasi nyang pinipilit na mag-gym at sumali sa Ravens ang kaibigan, kaso puro acads ang pinagtutuunan nya ng pansin.

"Ako 'to Pugs!" nagfistbump ang dalawa.

"Pano ba yan, Ravens na?"

"Tignan pa natin Wes."

"Next week na ang try outs. Inaasahan ka namin ni Pods don."

Tumango na lang si Chester. Hindi pa kasi nya nasasabi kay Janine ang plano nyang sumali sa Ravens. Though alam nito na mahilig sya sa basketball, baka maging off nga lang sya sa kanya.

Natigil ang commotion nang pumasok ang adviser nila sa room, si Mr. Perez. At dun na nagsimula ang school year nila.

--
III-ARMSTRONG


"CLASS!! CLASS!! QUIEEEEEEEET!!!"

Natahimik naman ang mga estudyante ng III-Armstrong dahil sa sigaw ng kanilang adviser. Tinatamad na nga sila kasi kanina pa paalis-alis ang adviser nila.

"Uhh class, sorry for the interruptions. We seem to have a new addition in the class."

Bumalik ulit ang ingay sa klase nila. Transferee? Wow, 3rd year na at may transferee!

"Halika, pasok ka." Agad naman tumingin ang mga estudyante sa may pinto.

Pumasok ang isang lalaki na naka-civilian sa classroom nila. Unruly ang buhok, medyo katangkaran at.. di nila mawari kung gwapo ba ito o hindi. Meron syang off na vibe.

"Come on, introduce yourself to the class."

He gave the class a glance. "Hi. I'm Seth Anthony Bello. Good Morning."

Tahimik ang klase. May something sa boses ni Seth na nakakatakot na ewan. Nang wala na syang sinabi for 30 seconds..

"Thank you, Seth. Now.. please seat beside Mr. Casabueno, dun sa 3rd row."

Nagbulung-bulungan na naman. Pinagtabi raw ang dalawang broody sa klase, pero mas gusto nila si Cyrus dahil approachable naman ito. May pagka anti-social kasi sa vibe ni Seth.

Tahimik syang umupo sa desk katabi ni Cyrus. Nilapag nya ang halos walang laman na bag sa may sahig at nakinig sa teacher.

"Oh Mr. Bello, if you need anything, you can ask me or Mr. Casabueno to help you. Okay lang ba sayo Cyrus?"

"Yes, Ma'am."

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang orientation. Pinakopya sila ng class schedules at nagreview ng school rules and policies. Nang mag break na..

"Uh Seth?" tawag ni Cyrus. Agad namang lumingon ito. "Yung ID picture at books sa library kukunin. Kung gusto mo I can accompany you."

"No need. I can manage."

Nagulat si Cyrus sa sagot ni Seth pero di na nya ito pinahalata. "Okay. Sige, ingat."

At dun na nagsimula ang pagiging non-conformist ni Seth.

--

JULY


"OMG IS THAT FINAL!?!"

Halos mabingi sina Barb sa sigaw ni Janine. Nasa classroom silang apat bago magmorning assembly at..

"Yes. Kami na ni Podi."

Halos mautas na sa kilig sina Janine at Vivien. Niyakap ng mahigpit ni Janine ang bestfriend. "KYAAAAA OMYGOD!!! MAY BOYFRIEND KA NA BRUUUUU!!! OMYGOD!!!!"

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon