C-19: "Tatawagin ko kayong Abraham at Althea"

10.8K 258 104
                                    

 Note! Ang story'ang ito ay under review na para sa kanyang book version kaya maaari kayong makaranas ng mga errors 'gaya nang hindi niyo mabasa ang mga susunod na chapter kaya ibibigay ko na lang. The link for chapter 20- http://www.wattpad.com/56542080-hb-book-1-busaw-ang-pagsibol-under-revisions-c-20

"Minumulusa" (given name, not the real one) the magical and powerful stone that was mentioned before in kabit and in the first chapters of this story."

"Ulapirang" (another given name) a type of "aswang" which lives out of day light and usually resides in some caves.

 "Ahhhh...." malakas niyang sigaw habang ipinapadyak ang kanyang mga paa. Nalingon ko si Amorsolo na nagmamadaling naghahanda ng mainit na tubig samantalang ako'y nasa paanan ni Elvira. Napatingin uli ako sa kanya nang huminga siya nang malalim at umere. "Ha... hah, hah... hemmmm..." umere na naman siya habang ako'y hindi makatingin sa kanya.

Unang pagkakataon na nakaengkwentro ako ng ganito.

Marahan kong hinilot ang kanyang tiyan pababa sa kanyang puson. Idiniin ko ang mga kamay ko at sumabay sa kanyang pag-ere.

"Sige pa... isa na lang Elvira..." sambit ko sa kanya habang namamawis na nang malapot. Bakit ganito siya manganak, sa amin naman ay parang dudumi lang ang isang babae. Sinilip ko ang mukha niya at naawa ako. Nakapikit siya habang kinakagat ang isang maliit na kahoy na ibinigay ni Amorsolo. Hinawakan ko uli ang kanyang tiyan at nagsalita. "Elvira... umere ka pa!" napapasigaw na ako nang bahagyang bumuka ang kanyang hiyas at makita ang isang maitim na bagay na gustong lumabas. 

       Umere nga siya pero bigla naman itong nawala. Muling sumara ang kanyang lagusan kayang napailing ako.

      Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Amorsolo at inilapag ang kanyang dalang palangganita.

Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil nang bahagya.

"Subukan ko anak, baka kami ang magkaintindihan ng bata..." lingon niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil muli ko namang narinig ang salitang "anak" sa kanya. "Ako muna diyan..." sabi  niya at marahang sumingit sa kinauupuan ko. 

       Ayuko mang umalis ay napausog na rin ako nang pumwesto siya sa paanan ni Elvira. Karaniwan na sa amin ang makakita ng hubo't hubad pero para sa asawa ko'y ibang usapan na 'yun. 

        Nakita kong kinuha niya ang lumang tela na malapit lang kay Elvira at itinabon niya ito sa tuhod pababa sa paa saka nilingon niya ako. Nabasa siguro niya ang iniisip ko.

      Nagsimulang gumalaw ang kanyang mga kamay sa ilalim ng tela habang tinitingnan ko si Elvira. Bahagyang humina ang kanyang pagsigaw at mukhang nabawasan rin ang kanyang nararamdaman. Napalingon naman ako nang kumilos ang kasama ko at pumunta sa unahan nito.

Tumingin siya sa akin at inutusan akong bumalik sa paanan ni Elvira.

BUSAW 1: BUSAW, Unang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon