C-2: "Ikaw ang pinakamalakas sa mga nilalang Manuel."

18.6K 322 54
                                    


Warning! Ang kwentong ito'y hindi na po kompleto, deleted na ho ang Chapter 22, Chapter 23 at Chapter 24- The Ending. Pwede' hong mabasa ang entire contents nito sa kanyang book version na pinamagatang BUSAW, UNANG PAGSIBOL for 175 php. Available na po ito sa bookstores "nationwide". Please do like the Viva Psicom Publishing Corp. @https://www.facebook.com/VIVAPSICOMpublishing?fref=ts and our own website- VIVA-PSICOM Dark Writers @https://www.facebook.com/VivaPsicomDarkWriters

Kung maiinis lang kayo sa akin, may pagkakataon pang magcocomment kayo nang "di kanais-nais" eh 'WAG NIYO NA LANG BASAHIN. Minsan nawawalan rin ako ng pasensya, sorry pero tao lang din ako.

ionah


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



            Napatingin ako at mabilis na lumapit sa kinatatayuan ni ina. Pareho naming tinitingnan ang nangyayari sa ama kong isinusuka pa rin ang kumikinang na bagay. Ilang sigaw pa ang namutawi sa kanya at kitang-kita kong kusang lumundag ang kumikinang na bagay sa nakaabang niyang palad. At bago pa siya makakilos ay bigla siyang nanghina hanggang sa napaupo siya sa lupa. Patakbo namin siyang hinawakan ni ina at maingat na pinaupo sa kawayang upuan.


Habol ang hiningang tumingin siya sa akin at pilit na ibinibigay ang kanyang hinahawakan. Hindi na ito kumikinang pero nagulat ako nang makita ngayon ang mukha ng aking ama.


Bigla siyang tumanda!


"L-Lunukin mo 'yan at ang lahat ng kapangyarihang tinataglay ng isang maharlikang talindawang ay mapapasayo anak... 'wag mo lang gamitin nang sobra, lilipas ang kagandahan ng iyong mukha at katawan, matutulad ka sa akin..." anas niya at muling iginalaw ang kamay. Hindi ako makakibo, tila napako na ang mga mata ko sa pag-aabang hanggang sa. "K-Kunin mo 'to anak..." napakunot noo lamang ako nang makitang isang hugis dyamanteng bato pala ang nanggaling sa kaloob-looban ni ama. Tahimik lamang akong napaupo habang nakatitig sa hinahawakan ko. "K-kunin mo ang mga gamit na kakailanganin ni Manuel... bilis Eloisa, kailangan niyang makaalis ngayong gabi... baka balikan siya ni Lucas..." sa naulinigan ko kay ama ay napa-angat ang ulo ko at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya.


Tumango lamang ang hinang-hina kong ama at dahan-dahan itong sumandal sa upuan.


Agad namang tumalima ang aking ina kaya naiwan kaming mag-ama sa sala. Kinawayan niya ako at marahan akong lumapit sa kanya.


"Maghubad ka na at lunukin mo ang minumulusa anak," sabi niya sa akin. "Umalis ka ngayon din... hanapin mo sa bayan ng Bangana si Tata Javier o m-mas kilala sa pangalang Professor Drako... s-sabihin mong anak kita... sige na..."


Tumango ako at pumwesto na sa harapan ni ama. Kahit naguguluhan pa rin ako ay isa-isa ko nang hinubad ang damit ko hanggang wala na akong suot kahit isang saplot.


Tiningnan ko muna siya bago ko ito nilunok.


Pagkalunok ko'y tiningnan ko ang sarili ko, ang katawan ko, nag-aabang ng kung anong mangyayari. Pero nakailang segundo na'y wala naman akong nararamdaman kaya yumuko ako at pupulutin sana ang mga damit ko nang mapatigil ako. Parang may sumusulpot sa likuran ko kaya napasigaw na ako.

BUSAW 1: BUSAW, Unang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon