C-16: "Gusto kong magpakasal sa'yo"

12.2K 317 83
                                    

Nagising ako sa mahihinang kaluskos mula sa labas ng bahay. Maingat akong humiwalay kay Elvira na nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya sa noo saka marahang bumangon. Lumapit ako sa bintana at sumilip sa labas, papabilog na ang buwan ngayon kaya maliwanag kong nakikita ang buong paligid. 

Malalim na pala ang gabi, pansin ko habang nagmamasid pa rin.

       Bumalik uli ako sa kama nang makarinig na naman ako nang kaluskos. Natigilan ako at pinakiramdaman ang paligid. Patuloy pa rin sa paglapit ang mahihinang kaluskos kaya lumabas na ako para tingnan sina Lorenzo at Nana Lucita. Mahimbing nang nakatulog ang matanda sa tabi ng nakaratay pa rin sa sahig.

       Napalingon ako, lalong lumakas ang kaluskos kaya mabilis akong lumapit sa dingding at sumilip uli doon. Napakunot noo ako sa nakikita kong papalapit sa amin, mga busaw!

Mga kawal ni Lucas.

       Mabilis kong binalikan ang matanda at tinakpan ang kanyang bibig, dahilan para magising siya. 

"Shhh... may mga busaw ho sa labas." senyas ko at bumulong sa kanya.

       Tumango naman ito at tiningnan ang kanyang katabi. Tumingin sa akin at tiningnan ang silid kung saan natutulog si Elvira.

"Bumalik ka na bilis..." mahina rin niyang sambit sa akin at marahang tumayo. "Yakapin mo siya o daganan para hindi sumingaw ang kanyang amoy... sige na." matigas pero mahinang utos sa akin ng matanda. 

        Tumango ako at mabilis na bumalik sa loob. Pagdating ko'y agad akong naghanap ng kumot o tela na maaari kong maitabon sa kanya. Naghalungkat ako sa isang aparador ni Nana Lucita hanggang sa nakita ko ang isang lumang kumot. Agad akong sumampa sa kama at tumabi sa kanya. Itinabon ko ito sa amin at niyakap ko na siya, pati ang kaliwa kong paa'y yumakap na rin sa kanya.

      Pumikit ako habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid nang mapamulat ako sa hagikhik ni Elvira.

"He hehe naglalambing, ano bang gusto mo, uli..." agad kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa bintana. "Bhak..." gusto pa rin niyang magsalita kaya marahan na akong bumangon at sinilip siya.

Tsk, bakit ba siya ganito?

"Shhh... 'wag kang maingay may mga busaw sa labas..." bulong ko sa kanya na tumihaya lamang siya at ngising-ngisi pa rin sa akin. "Wag kang maingay." pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi yata niya narinig ang sinabi ko.

"Alam ko." sabi niya at sumimangot. Nakuyom ko ang mga kamay ko saka marahang tinakpan ang kanyang bibig. "Naiintindihan nga kita eh... bakit bawal ba pati pagngiti hindi naman ah, wala 'yung tunog." inirapan niya ako at pilit na inaaalis ang kamay ko sa kanyang bibig.

      Pero idiniin ko lang ito, alam kong gagawa rin siya nang ingay. Nagkapwersahan na kami hanggang sa ilapit ko ang mukha ko sa kanya para ipaintindi ang nasa labas ngayon.

BUSAW 1: BUSAW, Unang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon