C-9: "Hindi ko ho gusto ang anak niyo"

14.1K 267 37
                                    

 Note! Ang story'ang ito ay under review na apara sa kanyang book version kaya maaari kayong makaranas ng mga errors 'gaya ng hindi niyo mabasa ang mga susunod na chapters kaya ibibigay ko na lang. The link for chapter 10- http://www.wattpad.com/52418895-hb-book-1-busaw-ang-pagsibol-under-revisions-c-10


Elvira’s pov...

         Nasa likuran lang ako ni Lorenzo, pilit na tinatakpan nito ang mga mata ko sa nangyayari sa paligid. Tanging naririnig ko lamang ay ang boses ni Manuel. Mukhang galit na yata ito at ang mga sumunod na narinig ko'y mga sigawan at ungol ng mga kalahi niya. Sa totoo lang, hindi na ako natatakot sa mga aswang kundi natatakot akong may mangyaring masama kay Manuel kaya kumilos na ako. Pupuntahan ko sana siya nang mapigilan ako ni Lorenzo.

Nagtataka akong lumingon sa kanya habang inaagaw ko pa rin ang kamay ko.

"Hindi mo ba tutulungan si Manuel, ang dami nila oh..." tingin ko sa kanya at lumingon kay Manuel na kaharap pa rin ang lalaking nakita ko rin kanina. "Tulungan natin siya Lorenzo..." kinabahan na ako at halos maiyak nang matanaw ko pang may mga paparating.

       Napatingin ako kay Manuel, kailangang makatakas siya dahil ang lapit na ng mga taong nagkumpulan at may dala-dalang matutulis na kahoy.

Oo, maliban sa mga kalahi niyang mga busaw ay sumulpot rin ang isang grupo ng mga tao.

        Mabilis akong humiwalay kay Lorenzo at sinalubong ko ang mga ito. Laking gulat ko nang makilala ang iba. Ang ka-member ko sa Cinco Dios, sila Owen, Leanard, Errol, Freya at si Kuya Yusuf na nagsisilbing right hand ni Dios Ama.

       Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang mapang-abot kami ni Freya at nagyakapan. Ang mga kasamahan naming lalaki ay tinapik lang ako sa likod at si Owen ay niyakap rin ako.

       Humiwalay ako sa kanila para sabihing 'wag sana nilang idamay si Manuel dahil mabait ito at walang ginagawang masama.

"K-Kuya... 'yang nakatalikod po sa atin ay si Manuel, k-kasama ko..." pagbabalita ko sa kanya at dahil doon ay napatingin siya sa akin. "Siya po ang tumulong sa akin... h-hindi pa niya ako naibabalik kasi kadiliman ngayon, sa pagbilog pa ng buwan."

       Sinulyapan lang ako ng nagsisilbing leader namin at nagpatuloy sa paglapit sa mga aswang.

"Kuya!" tawag ko at sumabay na rin sa paglalakad nito pero hindi man lang niya ako tiningnan.

       Nakita kong lalong humigpit ang pagkahawak niya sa kawayan at nilingon ang mga kasama ko. Tumango siya at tatakbo na sana nang hawakan ko ang kamay niya.

"Kuya... pakinggan niyo sana ako." mahina na ang boses ko, sumasabay sa isiping baka mapaano si Manuel sa kanilang mga kamay. “Kuya... mabait ho siya at hindi kagaya ng iba, siya po...” hindi na ako nakatapos dahil muli niyang tiningnan si Manuel at nagsalita ito.

BUSAW 1: BUSAW, Unang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon