C-1: Mga Talindawang

24.7K 352 30
                                    


Warning! Ang kwentong ito'y hindi na po kompleto, deleted na ho ang Chapter 22, Chapter 23 at Chapter 24- The Ending. Pwede' hong mabasa ang entire contents nito sa kanyang book version na pinamagatang BUSAW, UNANG PAGSIBOL for 175 php. Available na po ito sa bookstores "nationwide". Please do like the Viva Psicom Publishing Corp. @https://www.facebook.com/VIVAPSICOMpublishing?fref=ts and our own website- VIVA-PSICOM Dark Writers @https://www.facebook.com/VivaPsicomDarkWriters

Kung maiinis lang kayo sa akin, may pagkakataon pang magcocomment kayo nang "di kanais-nais" eh 'WAG NIYO NA LANG BASAHIN. Minsan nawawalan rin ako ng pasensya, sorry pero tao lang din ako.

ionah


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



            Mabilis akong tumatakbo ngayon sa ilalim ng mga punong nagtatayugan na komokonekta sa lugar kung saan ako ipinanganak, ang Palao Maturdi. Kami ang mga katutubong talindawang na hindi alam ng mga karatig bayan namin na kami rin ang tinatawag nilang busaw, halimaw, o aswang na minsan ay namimikta ng mga tao.


Napakunot noo ako nang mawala sa paningin ko ang hinahabol ko. Isang nilalang na katulad ko ang kasalakuyang tumutugis sa isang turista. May hinala na ako kung sino ito pero kailangan ko munang makasiguro, kaya mabilis akong pumanhik sa isang puno para tanawin kung nasaan na sila.


Nakarinig ako ng isang sigaw sa gawing kabila ng kakahuyan kaya agad akong tumalon sa isa pang puno at sa isa pa hanggang matunghayan ko ang isang katawang wala ng buhay, nagkawatak watak at naliligo sa sariling dugo. Tahimik akong bumaba mula sa punong kahoy at nilapitan ang katawan ng isang babae. Labas ngayon ang lamang loob niya at may mga sugat sa leeg nito na dinadaluyan pa rin ng dugo.


Marahan kong idinukwang ang daliri ko para damhin ang preskong dugo na nagkalat sa paligid. Inamoy amoy ko ito at napapikit ako sa kakaibang namnam na humahagod sa lalamunan ko. Napalunok ako ng ilang beses at biglang napadilat sa naisip ko.


"Anak... kahit tayo ay mga halimaw sa paningin nila... tayo ay tao pa rin sa puso at gawa kaya 'wag na 'wag kang gumaya sa iba na namimiktima ng tao... hindi sila pagkain kundi mga nilalang na maaaring maging kaibigan natin balang araw..." umaalingawngaw na naman sa isipan ko ang palaging sinasabi ni ina sa akin.


Kami ay ang katutubong talindawang na simula't sapol pa ay inilayo na namin ang mga sarili namin sa kabihasnan. Itinago namin ang mga sarili namin sa pagtakbo at pagbabago ng mundo. Kami ang mga nilalang na nabubuhay sa dugo at laman ng kahit na anong hayop lalo na ang mga mortal.


Bigla akong napatingin sa harapan ko nang kumaluskos ito. Alam kong hindi pa nakakalayo si Victor, ang gumawa ng krimeng ito. Si Victor, ang isa sa mga magigiting na kawal ni Seneor Lucas. Wala siyang sinasanto kahit na isinabatas na ng pinuno ang pagbabawal sa pagpatay ng tao.


Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, sa aming mga busaw ay nagtataglay kami ng mga kapangyarihang sa isip ng isang mortal ay napaka-imposible. Kung hindi kami nagbabago ng anyo ay isang simpleng katutubo lamang kaming naninirahan sa gitna ng kagubatan pero kung sinisilaban kami ng totoo naming pagkatao ay nagbabago ang lahat.

BUSAW 1: BUSAW, Unang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon