Chapter 8

23 0 4
                                    

Paalam na! Samuel.

Hindi mawari ang mga patak ng mga luha ko sa mata, hindi sila tumitigil sa pagbagsak gaya ng isang malakas na ulan tila nagbabadya na may paparating pang ulan. Tila hindi tumitigil, tulala akong nakatingin sa itaas ng kalangitan. Humiling sa bituing nangnining na sana marinig ang hinaing ng pusong umiiyak. Sumasakit ang bawat sulok ng puso ko, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko na maramdaman ang pagtibok nito, ni hindi ko na nga rin maramdamang buhay pa ako. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng punong nagnining kanina pero ngayon ay naging ordinaryong puno na rin, walang kinang, walang lagusan pabalik sa mundo nila Samuel. "Sa dinami dami ng mga tao bakit ako pa ang nakakaranas nito!" Sambit ko sa sarili ko huhuhu. Sa dinarami ng tao bat ako pa ang napili ni Yrah sa party na yan.

"Mga tala sa langit, sana'y dinggin ang aking hiling sa pagbulong ko dito ay dalhin ng apahap ang mga mabubulang kahilingan" sabay ihip sa isang halamang bulaklak na bilog na ka pag hinipan mo ay magkakalasan ito at magliliparan gaya ng mga balahibo ng mga anghel sa kalangitan. Napabilib ako sa ganda nito , itinaas ng hangin ang mga ito at nagkukumpulan sila habang pataas ng pataas ang mga ito at tila dadalhin ng mga ito ang kahilingan ko at ibubulong nila sa talang nangnining ang kahilingan ko na 'sana mailigtas ko si Samuel sa kamay ng mga masasamang loob na iyon'. Nakaupo ako ngayon at ang imbitasyon na binigay sa akin ni Yrah ay naglaho na ng tuluyan, naging malabong bagay lang sya at hanggang sa hindi na ito nageexist. Nakakapagtaka lang talaga, bakitnako ang pinili ni Urah na mapadpad sa mundo nila? At ni hindi ko man lang naranasan yung paparty na sabi nya. Saka problemadong problemado na ako nuh! Yung pera ko pala pabalik ng Maynila ay nasa bagahe ko pa. At dahil nga minalas ako ay nakalimutan ko pang dalhin iyon.

Iniiyak ko na lahat dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na sya maiiligtas pa.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo, ipinatong ko ang imbitasyong bigay sa akin ni Yrah sa malaking sanga dahil hindi ko na kailangan yun dahil babalik na ako ng Maynila para harapin na talaga ang mukha ng realidad. Siguro nga may dahilan ang lahat kung bakit nangyayare to sa akin, kung bakit ba ako nasasaktan ay alam kong may ibigsabihin, sa bawat pagkirot ng puso ay yun din ang nagsasabi na kinaya mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon.

Hinang hinang na ako dahil naglalaro sa isipan ko ang dinanas ni Samuel at dala na rin siguro ng gutom at pag aalala, sa isang barong barong na malapit dito ay nakakapagtaka dahil ang ganda ng pagkakagawa rito kahit kupas at nalipasan na ng panahon. Kahit kupas na ay hindi mo mawawari na ganto pala katibay ang pagkakabuo nito.

Inihakbang ko na ang aking paa papunta roon, upang magsiyasat sa kung ano bang meron dun.

Nakakapagtaka dahil andaming gamit sa witchcraft kaloka, may malaking kawali gaya ng mga ginagamit ng mga mangkukulam sa movies, may mga halamang gamot sa taas ng dingding, at tuyong balat ng mga iba't ibang hayop, syempre di mawawalan ng butiking pinatuyo sa sanga ng mangoosteen.

"Anong klaseng lugar ba to?" pabulong ko sa hangin at may lumabas na isang matabang babae, mataba sya at nakangiti sya pero kapansin pansin sa kanya ay yung isang mata nya dahil may takip na ito, may nakabalabal sa kanyang itim na scarf.

"Ano ang iyong nais, magandang dilag?" Nakangiti sya sa akin. Tanong nya sa akin, pag ba sinabi ko na nais ko bumalik sa Biringan, matutulungan nya ako?

Ano ba Nathalie! Hindi ka na makakabalik dun noh

"Kahit ano?" Kusang nasambit ng bibig ko ang mga salitang iyan.

"Oo kahit ano!, narinig ko ang iyong kahilingan kanina at nais kong tuparin yun" Wow ha, napatalon ako sa saya. Hindi ko lubos maisip na matutulungan ako ng isang babae nato.

Should I grab the opportunity?

Yes

Kinuha nya ang aking kamay, at ginilitan nya ang aking balat. Mahapdi. Nagdudugo ngayon ang aking kamay. Gusto ko sana syang sabunutan pero kasama daw yun sa ritwal. Pinapiga nya saking kamay at tumulo ito sa isang tubig na kung saan mahiwaga, umiilaw sya kagaya ng sa puno papasok ng Biringan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOST CITYWhere stories live. Discover now