Chapter 6

31 5 21
                                    

Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagpipigil ng paghinga, at ipinikit ko nalang ang aking mga mata dahil alam ko na sa sarili ko na this time i'm finally over.

"Ate, sa akin na lang tong dollhouse mo" sabi ko kay ate Mayari, mabait si ate Mayari kaya pinaubaya nya na sa akin ang laruang dollhouse na iniregalo sa kanya ni Daddy.

"Tutal bunso ka naman, sige sayo na lang ito at ingatan mo yan ha lahat ng bagay dapat iniingatan at hindi sinisira pag hindi na nagustuhan, mahalin natin ang kung anong mayroon tayo dahil maaring masira yan pero yung mga alaala nya sa atin ay mananatili sa ating puso.... Tandaan mo yan Nathalie ha!" Sambit ni Ate Mayari, nakangiti sya ng sobra sobra at hinahaplos na niya ang aking ulo, halos hindi na makita ang kanyang mata dahil sa pagkasingkit, saka binigyan nya ako ng isang mahigpit na yakap. Yakap na parang hindi totoo dahil sa sobrang init at higpit.

Ayan ang huling ala ala ko kay Ate nung magkasama kami, naglaho nalang si ate ng parang bula. Walang anumang bakas na umalis si Ate at hindi na namin sya. Nakita pa.

Hindi ko maintindihan dahil pabago bago na lang ang takbo ng scenario, parang hindi totoo.

"Nathalie, dyan ka lang ha. You need to sleep na ha Papa will come home" sambit ni ate pero may mga luha sa kanyang mga mata, parang may itinatago sya sa akin. "Okay ate, i'll sleep na" sabi ko, nakabukas nang bahagya ang pintuan kaya may siwang ng liwanag na nagmumula roon. Sumilip ako roon at nakita kong nag uusap sila mama at ate. Bakit kaya sila umiiyak.??? Pero sa puntong ito ay alam kong may mali na. May tinatago sila sa akin.

Halos mapaupo sa iyak si mama ng makatanggap sya ng tawag at si ate naman ay hinahagod ang likod ni mama. Gusto kong lumabas pero baka pagalitan ako ni Ate Mayari.

"Wala na yung papa mo!" Nagagaralgal na sabi ni mama kay Ate Mayari, si Ate Mayari naman ay natulala sa pagkabigla, narinig ko ang mga bagay na iyon at alam kong wala pa ako sa tamang edad para maintindihan ang mga komplikadong pangyayare sa buhay. Inosente ako sa mga bagay-bagay at ang alam ko lang ay may masamang nangyare at alam kong maiiyak rin ako.

Kumuha ako ng malamig na tubig para ibigay kila ate, sa kasamaang palad ay nadulas ito sa aking kamay kaya nakakuha ako ng atensyon mula sa kanila. Umiyak ako dahil for sure papagalitan nanaman ako nila mama. "Diba sinabi ko sayo, Nathalie na matulog ka lang" sabi ni ate at inaalog alog nya ako, bakit ba ate? May tinatago kayo sa akin eh huhuhu gusto kong malaman kung ano iyon eh. "Hindi ako makatulog kasi umiiyak kayo nila mama eh" sabi ko at naiiyak na rin ako dahil pinapagalitan ako ni ate.

"Nathalie, anak............ wala na yung papa mo, nabawian sya ng buhay ng maaksidente sya nang pauwe na sya rito" hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila, yung mga ngiti ko sa mata ay nawala nang tuluyan, yung punong puno ng pag asa yung puso nawalan na ng tuluyan.

Nagbago nanaman ang mga pangyayare, tila mga memories na nagwawatak watak na nagpapasakit ng puso ko.

15 ako ng mawala si ate, hindinnamin alam kung ano naging rason bat gaya ng bula ay nawala sya ng tuluyan. "Ate may nakita ba kayong ganto yung nasa flyers" sambit ko habang pinipilit ang isang stranger para magsakita kung nakita nya ba talaga si Ate Mayari. Tila pinagsukuan na kami ng mundo.

Pinunasan ko ang pawis ko na kanina pa, tumutulo dahil sa nag aapoy na liwanag ng araw.

Habang si mama naman ay hindi pa rin napapagod sa pagpapaskil ng flyers na may nakalagay na "MISSING! MAYARI ISABELA" saka may litrato roon ni ate. Pagod na ako kaya napaupo muna ako sa isang gater ng kalsada. Ilang araw, linggo, buwan, taon, ang aming ginugugol para hanapin siya pero pagod na talaga kami ni mama. Nanghina na ng tuluyan ang katawan ni mama, sa panahong naghahanap kami kay ate ay ayun din ang panahon na nalipasan kami ng gutom at nagkaleche leche lang buhay namin. Nabaon kami sa utang, narimata ang singsing ni mama sa pawnshop, at nainsanla na rin ang bahay namin at tuluyan na ring hindi nabawi. Tumigil ako sa pag aaral nung highschool dahil hindi na kaya pang tustusan ni mama ang pangangailangan ko sa school kaya ako mismo ang nagdecide na magdrop ako, wala akong maisip na paraan para maipagpatuloy ko pa ang pag aaral ko dahil walang mag aalaga sa nanghihinang mama ko at anytime ay pwede na ring malagutan na ng hininga.

LOST CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon