Chapter 5

33 5 10
                                    

Bumalik ako sa higaan ng makita ko syang nakatingin. At pahakbang na ang kanyang paa papasok rito. Masakit sa likod at bumakat na rin ang hulam ng kawayan sa balat ko at ngayon ko palang din nararamdaman ang kirot nito.

Wait explain ko ulit yung nakikita ko ngayon sa itaas, alam nyo yung bubong ng kubo? Pero tuyong dahon sya ng niyog. Ayan naexplain ko na ng maayos.

Nagpapanggap pa rin akong nakapikit ngayon, super pikit talaga as in yung mahahalata nya talaga na nagpapanggap lang akong natutulog ganern!!! Bes!!, saka onting silip silip sa abs ni kyah!!!

Habang palapit na palapit sya, i can feel the presence of him. At anytime ay magbebreak down ako sa kilig kahit kakakita ko lang sa kanya.
Umupo sya sa gilid ng hinihigaan ko ngayon, nagdidikit na ang aming braso, Gosh ang init ng katawan nya. Hindi ko mapigilang kiligin inside dahil habang tumatagal ako dito na nakahiga ay tuluyan na akong nahuhulog sa kanya. Lande talaga ni Nathalie ihh!!!!, sa lahat naman ng hahaplusin nya ay ang ulo ko pa! Inayos nya ang balabal sa akin ulo at pinalitan ng bagong dahon na magpapagaling sa aking sugat! Niyapos nya din ang aking noo para malaman kung okay na ako at wala na akong lagnat.

"Liwanag, batid ko'y may malay na ang ating panauhin" sambit ng lalakeng katabi ko ngayon. Gosh kaloka naman ang lambing ng mga pananalita nya, nakakatunaw as in! Di nyo alam kung gaano na ako kinikilig sa ngayon, hanggang pagpapanggap pa rin sa pagtulog hanggang sa ngayon.

Oplan Tulog kunwari kahit gising na talaga ako dahil lande is life si ako.

Naku! Pano kung nalaman na nila na ako'y magaling na pala, eh di hindi ko na nakasama ang isang gwapong lalakeng ito. May dungis sya sa pisnge nya pero ang gwapo pa rin. Nagulat kayo noh kung pano ko nadescribe, syempre sumilay ulit ako sa kanya. Ganun lang kadali. Kqmuntikan nya nanaman akong makitang nakatingin sa kanya, jusmiyo Nathalie!!!!

Saka sobrang oa ko kagabi, kala ko makakain na nila ako gaya ng sa green inferno pero hindi pala, ang gagandang nilalang ang naririto. Sa green inferno kasi kumakain sila ng mga tao.

Pumasok si Liwanag, dala ang maliit na batya.

Maganda si Liwanag, at halatang galing sa hirap ang dalaga. Siguro ligawin sya rito. Maganda ang kanyang pagkamorena, maayos ang pagkapusod ng kanyang buhok. Suot suot nya ang lumang baro't saya na napaglipasan ng kanyang ina, malambing ang kanyang mukha at malalaman mong isa syang mabait na babae.

Iniabot nya sa lalakeng, pagkakatanda ko ay sya yung nagligtas talaga sa akin nung panahong nasa peligro ako ng kahalayan. Salamat talaga sa kanya! You're my Hero ganern!

Pinunasan niya ako ng maligamgam na tubig sa mukha, napaka marahan nyang ginawa iyon. Sabay nya ring pinunasan ang leeg ko, sinunod nya din ang may galos ko sa braso. Shocks di ko napansin na may sugat din pala ako sa siko. Sobrang caring nya talaga sa akin, i think kami na talaga ang magkakatuluyan in the end. Eto yung pinaka ayaw ko eh, iniangat nya ang sleeves ng t-shirt ko at pinunasan ako sa kili-kili. Bago nya pa man niya magawa iyon ay napabalikwas na ako sa gagawin, shocks pano na lang pag nakita nyang maitim ang kili-kili ko at may amoy na ito? Magiging singdilim din yata ng pangarap kong maging kami pag nakita nya iyon. Nagulat sya sa ginawa ko at napatayo. "Pasensya na Binibini, kung naging mapusok ako!" pagpapaliwanag nya. "Ahhhj, omg help me!!!! Sino ka??" paghihisterical ko sa kanya! Syempre keme lang yung acting para kunware talagang nagising talaga, "at bakit mo sinisilip ang aking kili-kili" tanong ko sa kanya. Napakamot na sya sa ulo nya, at halatang may bahagyang pag ngiti sya.

ANG GWAPONG NILALANG TAPOS, NAKATOPLESS NGA SYA PAULIT ULIT NALANG AKO DITO, KITA KO SA KANYANG ABS NA MAY BUTIL BUTIL NA PAWIS. HOWWWGWAPOII!

"Huminahon kayo Binibini, nais ko lamang gamutin ang mga sugat sa iyong katawan lubhang nasaktan ka sa pagkabagsak mo sa puno na ng mangga, ako'y nabibilib dahil ikaw pa lamang ang kauna unahang babae ang nakita kong umakyat sa pagkantanyog tanyog na puno" Sabi nya nais nya akong paniwalain sa mga sinsabi nya ngayon, well tutal malande naman ako ng very light so it's a yes for me.

LOST CITYWhere stories live. Discover now