Forty-Seven

40.6K 1K 126
                                    

OH EM GI.

EPILOGUE NA NEXT!!! HEHE.

Don't forget to leave a comment!!

Lovelots

x

Allie

Pinili kong bantayan si Arron buong araw. Hindi ako umalis sa tabi niya, aalis lang ako kapag sinasabi ni Tita Julia na kailangan kong kumain. Mabilis lang ako kumain dahil wala rin naman akong gana. Kasama ko ngayon si Carmela. Nakaupo siya sa isang side ng kama at ako naman sa kabila. Masama ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

Buong oras na nasa ICU ako ay na kay Arron lang ang undivided attention ko. I was waiting for him to blink his eyes or even move his hand pero kahit anong panonood ang gawin ko sa kanya ay wala pa rin siyang pinapakitang kahit anong small movements.

Until later that night, dinadalaw na ako ng sobrang antok dahil sa sobrang pagod nang mahagip ng mga mata ko ang paggalaw ng mga daliri ni Arron. It lit up the small blaze of hope inside me.

“Arron?” mahinang sabi ko dito. I think it caught Carmela’s attention too dahil napatayo siya mula sa sofa malapit sa pader. Lumapit siya sa kama ni Arron.

“Kuya Arron,” nanginginig ang boses ni Carmela. Ngayon ko lang narinig ang na tinawag ni Carmela si Arron ng ‘kuya’. She never looked at Arron as a brother dahil may gusto siya dito. But now… hearing her call Arron as her kuya warmed my heart.

“Kuya Arron, gumising ka lang diyan–I promise, hindi ko na aawayin si Allie. I’ll never kiss you again and I’ll behave like a sister. Gumising ka lang diyan.” pagluha ulit ni Carmela. Arron’s fingers flinched again at nandilat ang mga mata namin ni Carmela. Nagkatinginan kami pareho at unti-unting napangiti.

“Arron,” tawag ko. Unti-unting bumilis ang tunog ng heart rate monitor ni Arron. Napalitan ang ngiti sa mukha namin ni Carmela nang takot.

“Kuya Arron?” tawag nito hanggang sa ang normal na tunog ay napalitan ng isang malakas at mabilis na ingay. Lumabas ang takot at pagkagulay sa mukha namin ni Carmela. Carmela started crying and I was close to crying too but I need to stay calm.

“Arron?! Arron!!” gusto ko sana siyang hawakan at alugin pero wala akong nagawa kundi ang titigan siya. I was hopeless. Inilipat ko ang tingin ko kay Carmela.

“Carmela, tumawag ka ng doctor–nurse, bilisan mo!” hindi na hinintay pa ni Carmela ang pangalawang utos ko at tumakbo agad siya palabas ng room.

“Arron! Please, wake up! Please, gumising ka!” sigaw ko dito kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Kasabay nang pag-ingay ng heart rate monitor ang pagsigaw ko para lang gumising si Arron.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon