Twenty-Three

41.9K 1K 134
                                    

Allie

Dumaan muna ako ng canteen para bumili ng soymilk at mineral water. Walang pasok si Dominic ngayon, he texted me para itanong kung gusto ko daw ba na ihatid ako but I told him na magpahinga na lang siya. Sinabi ko na kay Frannie na lang ako sasabay. Pinilit niya ako na siya ang susundo sa akin kaya pumayag na lang ako sa huli.

“Allie!” napalingon agad ako sa tumawag ng pangalan ko and I smiled when I realized that it’s one of my blockmates, si Jenna.

“Oh, hi.” nag-umpisa akong maglakad at lumapit naman siya sa akin para sumabay. Blockmate ko kasi siya sa susunod kong klase.

“Pasabay ako ha. Aakyat ka na ba ng room?”

“Yep.” tahimik akong ngumiti sa kanya and she just nodded at me. Nasa isang kamay ko ang mineral water na binili ko at iniinom ko naman ang nakabukas na soymilk.

“Uhm… Allie.” Jenna began to speak. She even cleared her throat. May malakas na kutob ako kung ano ang sasabihin niya.

“Hm?” I looked at her and she shyly scratched the back of her head. She was obviously embarassed.

“Kayo pa rin ba ni Dominic?” I was expecting her to ask about me and Arron but that was obviously related to that kaya hindi ko alam kung bakit pa ako nagulat. I knew there were rumors slowly spreading, waiting for the right moment to explode in our faces. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maiyak o matakot.

I faked a smile. “Of course. Why?”

“Pero… Akala ko kayo ni… Arron?” my stomach twisted at the mention of his name. Bigla akong kinabahan at natakot. Bakit ba ganito ang reaksyon ko? Yun naman talaga ang plano namin ni Arron. Pero bakit parang hindi ko pa rin maiwasan mailang at magulat sa sinasabi ni Jenna?

“Kami ni Arron?” I flashed another sweet smile at her. “What does Arron have to do with your question?”

She frowned. “Wag ka magalit sa akin ha? Kasi, sabi nila… May something daw sa inyo ni Arron. M-marami daw kasing nakakita na lagi kayo magkasama. A-at hindi na daw nambababae si Arron.” bigla naman napapitlag ang puso sa dibdib ko sa huling sinabi niya.

“Talaga?” I asked with only the last sentence in my mind.

“Oo. Pero wag kang magalit sa akin. Sinabi ko sa kanila na imposible yon kasi wala naman sa ugali mo ang manloko. Ang bait mo kaya.” ngumiti pa siya sa akin at napawi naman ang ngiti sa mukha ko.

“You can’t say that. You don’t know me that well.” pagkatapos non ay nauna na akong naglakad sa kanya at pumasok sa loob ng room. Biglang gusto ko na tuloy umuwi.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon