Sixteen

42.1K 995 132
                                    

Allie

Nang pumasok kami sa kitchen, nagsimula ng maghanda ng makakain si Dominic. Maraming beses na niya akong naipagluluto kaya alam niya na kung saan nakalagay ang mga gamit sa kusina. Dominic looks really domesticated. Baliktad pa nga dahil dapat, ako yung nagluluto para sa kanya but I was never really good at cooking. Ilang minuto na rin ang nakalipas at napapatingin-tingin ako sa labas ng kusina. I was thinking kung saan nagtatago si Arron at kung ano ang ginagawa niya ngayon. Nag-aalala ako na baka maisipan niya biglang lumabas kahit na alam kong hindi gagawin ni Arron iyon sa akin. I trust him, and I don’t know why.

“Hey, kukuhanin ko lang yung phone ko sa taas.”

Dominic stopped what he was doing to smile at me and nod his head. Kinagat ko ang labi ko at nagmamadaling naglakad papaakyat ng hagdanan.

I reached my door and opened it. Inaasahan ko na ini-lock niya ito pero hindi. Nang makapasok ako sa kwarto ay naabutan ko pa siyang nakahiga sa kama ko habang hawak-hawak ang phone ko. I closed the door behind me and made sure to lock it. Huminga ako ng maluwag at lumapit sa kama.

“Bakit hindi mo ini-lock ang pinto?” I scolded and he frowned.

“Do I need to?” nagtataka nitong sabi.

“Of course! Paano kung magyaya si Dominic sa kwarto ko? Ano ang sasabihin ko sa kanya?” His mouth opened but he closed it nang wala siyang maisip na maisagot. Arron just shrugged at naramdaman ko naman ang pag-init ng ulo ko. Umirap ako sa kanya bago agawin ang cellphone ko na hawak-hawak niya.

“I’m going to convince Dominic na lumabas. I’ll text you as soon as we left the estate, then you leave. Okay?” Arron grimaced. He look bothered about something.

“What?”

“I hate this.” he grunted and my forehead creased.

“What do you mean?” Umiling-iling si Arron at tumawa.

“It’s like I’m your dirty secret, Allie. It’s very… new to me.”

“You’re crazy.” I shook my head and he chuckled.

“But I am. And soon, I won’t be a secret anymore.” ngumisi siya sa akin. Sasagutin ko sana siya pero biglang may kumatok sa pinto. My heart leaped for a second when I stared at the door. Ibinalik ko ang paningin ko kay Arron and he snorted. I hushed him and he zipped his mouth.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon