LWTPB 29

17.4K 504 57
                                    

Kumain lang kami ni Aidan at nagpahinga sandali. Ala-una pa lang ng tanghali kaya medyo nakakatamad kumilos kahit gustong-gusto kong gumala para masulit namin ang araw na'to. Madaming sinabi sakin si Aidan na mga lugar na pwede naming pasyalan kagaya na lang ng isang farm nila dito at yung dalawang hotel at isang resort nila.

"San mo gustong pumunta?" Tanong niya sakin habang inaayos niya yung bangs ko. Ang lapit na naman ng mukha niya sakin kaya bumibilis nanaman ang kalampag ng dibdib ko. Grabe talaga ang epekto ng loko na'to sakin.

"Stop staring. Baka hindi na kita pauwiin." Sabi niya at humalakhak kaya naman sinimangutan ko siya.

"Gusto ko sanang mamasyal kaya lang medyo mainit at nakakatamad."

"Then let's just stay here and make out--Aray! I'm kidding!" Sabi niya pagkatapos ko siyang hampasin. Anong make out? No baka mamaya pumayag ako este nakakainis nagiging berde ako dahil sa lalakeng 'to!

"Aidan manahimik ka nga!"

"Eto masyadong seryoso. Binibiro ka lang let's cuddle cuddle na lang." Natatawa niyang sabi habang tumayo at hinawakan ang dalawang kamay ko para itayo din ako.

"Manyak ka talaga!"

"Sus kung ganito ka-gwapo mamanyak sayo hindi ka pa ba papayag---Aray! Ang brutal mo talaga!" Sabi niya at tumawa ng tumawa sa harap ko kaya naman pinabayaan ko lang siya habang humiga naman ako sa kama. Agad din naman siyang sumunod pero nakaupo lang siya habang naka-ngiting nakatitig sakin.

"What?" Tanong ko sa kanya dahil medyo naiilang ako na ewan. Hindi ko alam kung ba't hanggang ngayon naiilang pa din ako sa kanya. Siguro dahil ang gwapo at hot niya tipong di ko makaya kahit ang ganda ko! Oh well.

"Nah. Just wondering kung hindi ka sakin ngayon siguro'y sobrang frustrated ako pag nagkataon." Sabi niya at humalakhak.

"Ang dami mong alam. Sayo naman ako."


"Uh-huh. Mine alone."


"Possessive."


"I am territorial. Pag sakin, sakin lang. I don't mind sharing everything I have except you." At dahil sa sinabi niya bigla ko namang naalala yung alok sakin na pag momodel ng isang Tita ko. Kapatid siya ni mom at isang clothing line ang business niya kaya naman kinukuha niya ko para maging isang modelo not the regular model naman. Yung parang part-time na din. Wala akong hilig sa pag momodel pero gusto kong i-try. Maybe this is the good time na sabihin 'to kay Aidan.

"Aidan.."

"Hmmm?" Sabi niya habang nahiga sa tabi ko. Umayos siya ng konti at humiga naman ako sa dibdib niya habang pinaglalaruan niya yung buhok ko.

"Mag papart time model ako." Nakapikit kong sabi sa kanya dahil alam ko, hindi siya papayag. I know. Gumalaw siya ng konti at hinawakan ang baba ko para iharap sa mukha niya.

"No." Mabilis niyang sabi habang hinalikan ang noo ko.


"Pero part time lang naman yon. Tsaka si Tita naman ang mag hahandle sakin. Pumayag ka na, please."

"No, Safara. Ayoko." Sabi niya habang nilagay niya yung isang kamay niya sa mukha niya.


"Pero Aidan--"

"At anong susuotin mo don? Mga sexy'ng damit?! Safara ayoko! Hindi mo naman kailangan mag part-time. Hindi yan yung Safara na kilala ko. Hindi yan si Safara na mahal ko.." Sabi niya at mabilis na tumayo habang natulala ako sa sinabi niya. I know, nagbago na ko. Alam ko na hindi ako ganito pero gusto kong gawin yung mga bagay na ayoko at hindi ko pinagarap gawin dati. Yun ang natutunan ko.

"Aidan ako parin 'to!"

"No. Kasi yung Safara na kilala ko, hindi gugustuhin na mag part-time o anuman. For God's sake you are Safara Mori! Ayoko, Safara." Nabasag ang boses niya sa huling sinabi niya. Hindi ko kayang makita na ganito si Aidan pero gusto ko din sundin yung gusto ko. Tumayo ako at nilapitan siya. Tinitigan niya lang ako as if wala ng makakapagpabago ng desisyon niya.

"Aidan look.. Hindi ako magsusuot ng mga damit na sa tingin ko hindi mo magugustuhan. Tsaka, gusto ko kasi 'to.." Sabi ko at mabilis na niyakap siya.


"Safara, alam mo namang di ko kaya. Di ko kaya yung may makakakita sayo na ibang lalake, ayokong makita nila yung mga nakikita ko!" Halos pabulong niyang sabi kaya naman mabilis ko siyang hinalikan at halos maiyak na ko. My possessive Aidan.

"Pano pag gusto ko talaga 'to?" Tanong ko habang tinitignan siyang mabuti.


"Pero Safara, di ko kaya.."


"Part-time lang naman. Oo alam kong hindi ko kailangan dahil ako si Safara Mori pero gusto ko 'to, Aidan. Sige na naman." Malambing kong sabi sa kanya habang tinititigan niya lang ako. Panay ang buntong-hininga niya at nakikita kong nahihirapan talaga siya.


"Fine." Sabi niya at mabilis akong niyakap at hinalikan ang buhok ko.


"Thank you--"


"Don't be. Alam mong ayoko at hindi talaga ko payag pero dahil mahal kita at gusto mo 'to, pagbibigyan kita. Pero sa oras na may hindi ako nagustuhan sa gagawin o susuotin mo don, hindi ako magdadalawang isip na pikutin at buntisin ka na lang---Aray!" Sabi niya pagkatapos ko siyang kurutin sa tenga!


"Bastos ka talaga!" Sabi ko at akmang aalis na pero mabilis niyang hinila ang braso ko at hinalikan ng malalim na halos mawalan ako ng hininga.


"Mahal kasi kita kaya ganon." Mabilis niyang sabi habang hinalikan nanaman ako.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon