LWTPB 16

32.8K 729 55
                                    

 

Maaga akong umalis para pumasok sa school dahil major subject ang una kong klase. Ayokong ma-late. Tulog pa ata yung mga hambog dahil wala pang maingay pagka-gising ko. Pero mas mabuti na yun kesa naman ako yung bwisitin nila. Naglalakad lang ako dito sa building nila Aidan. Medyo maaga pa. 8 ang start ng klase ko at 7am pa lang. Naglalakad-lakad ako ng biglang may humila sa bewang ko at hinalikan agad ako sa noo.

"Wtf--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko na kung sino. Tsk. Umagang-umaga.

"Hi. Goodmorning." Naka-ngising sabi ni Aidan. Baket nandito na siya? Akala ko natutulog pa siya dahil alam kong napuyat siya kahapon kakagawa ng report niya para mamaya sa isang major subject din niya.

"Yung kamay mo nga!" Sabi ko habang hinahampas ko yung kamay niyang nasa bewang ko. Pero imbis na tanggalin niya, lalo niyang hinigpitan at siniksik pa lalo ako sa katawan niya. Alam niyo ba yung mabango? Si Aidan yun eh. Hindi ko alam pero naramdaman kong namula talaga ako at mukhang napansin niya yon. Uggh.

"You're blushing." Pang-asar niya at humalakhak pa.

"Bwisit! Tanggalin mo na nga yang kamay mo baka may makakita." 

 

 

"Eh ano ngayon?" Sabi niya at tumawa ng pang-asar. Bwisit talaga. Kaya naman no choice ako kundi lumakad habang para siyang ahas na nakapulupot yung mga kamay niya sa bewang ko. Ang dami na din naming nakukuhang atensyon ng mga naglalakad na students. I swear, para kaming naglalampungan sa itsura namin. Tinignan ko lang si Aidan na diretso lang naka-tingin sa daan habang naka-ngisi. Gusto kong burahin yung ngisi niya at ibaon siya dito hallway. I swear.

"Aidan..." Tawag ko sa kanya dahil lalo pang humigpit yung hawak niya sa bewang ko.

"Hmmm?" Naka-ngiti pa din niyang tanong pero hindi niya ko tinitignan. Lakad pa din kami ng lakad.

"Yung kamay mo.."

 

 

"Nasa bewang mo." Sabi niya at humalakhak nanaman. Ang sarap talaga niyang murahin at pag sasapakin tuwing humahalakhak siya ng ganun. Tss.

"Pupunta na ko sa room." Sabi ko habang hinawakan ko yung kamay niyang naka-palupot sa bewang ko pero bigla naman niyang hinawakan yon habang naka-kapit pa din siya sa bewang ko.

"Aidan naman! Nakakainis ka na!"

 

 

"Problema mo ba kasi? Hahatid na nga kita eh!" Para naman siyang nainis. Aba, mas naiinis ako dahil hindi na basta-basta yung mga nakatingin samin. May mga ibang prof kami na dumaan na at nakikita kami habang para talaga kaming naglalampungan sa itsura namin pero wala talaga siyang pakialam.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon