LWTPB 25

21.9K 531 24
                                    

Aidan's at the right side

"What the?! Eh baket hindi na lang ako?! I mean, I volunteer!!" Tuwang-tuwang sabi ni Ven sakin pagkatapos kong i-kwento sa kanya yung nangyari. Hindi pa rin ako makausad dahil hanggang ngayon, iniisip ko pa rin si Claye. Gusto ko siyang tulungan pero ayokong masaktan si Aidan.

"Si Safara na kasi yung nasabi ni Claye sa daddy ni Miguella." Agad kaming napatingin kay Delta na biglang sumulpot dito sa gazebo. Akala ko kasama na niya si Aidan dahil pinapatawag sila ng coach nila.

"Pwede namang bawiin!"

"We can't just pull it off. Mas lalong hindi maniniwala daddy ni Miguella. Kilala namin ang pamilya nila. Sa tingin ko, hindi dahil lang sa may nangyare kay Claye at sa anak niya kaya gusto niyang magpakasal yung dalawa. There's more. Matagal ng gusto ni Tito Fred (Miguella's father) na mag merge ang kompanya nila sa kompanya namin pero ayaw ni papa dahil palugi na ang kompanya nila." Mahabang paliwanag ni Delta samin habang chill na chill na nakaupo at kumakain ng lollipop. Seriously? Lollipop?

"Sana ako na lang yang lollipop!" Malanding bulong ni Ven sakin kaya naman inirapan ko lang siya.

"Wala na bang ibang option? I mean, bukod sa pagpapanggap ko as Claye's fiancee. You know, I can't and Aidan won't approve."

"Alam ko naman eh. Pero yun lang yung option na pwede or else, kahit si papa, wala ding magagawa."

"Excuse me lang ha? Pero nabuntis ba si Miguella at ganun maka-react yung daddy niya? Ang OA ha."

"Miguella's not pregnant pero ganun kasi yung paniniwala nila. May nangyare sa dalawa kaya kailangan pakasalan agad. Tss."

"Hayyy. Kawawa naman si Claye my loves."

"Speaking of. Nasan pala si Claye?" Tanong ko dahil gusto ko sanang mag sorry sa kanya.

"Kasama si Karina."

"Karina who?"

"Alam niyo na. Flavor or the day." Napa-buntong hininga na lang ako at napa-upo sa tabi niya.

"Parang walang problema yung lalakeng yon ah." Sabi pa ni Ven at umupo rin sa tabi ni Delta.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon