LWTPB 27

17.8K 489 44
                                    

A/N: WARNING MEDYO MALANDI. HAHAHAHAHA.

"Safaraaaa!" Agad kong tinakpan ng unan yung mukha ko ng marinig ko ang boses ni Aidan. Dito ako natulog sa bahay namin ni Lolo dahil yun ang gusto ni Aidan dahil hindi daw siya uuwi doon sa bahay at ayaw niyang makasama ko yung mga kapatid niya habang wala siya. Clingy boyfriend and he's my clingy boyfriend. Narinig kong bumukas yung pinto at gumalaw yung dulo ng kama ko.

"Baby, wake up. Ngayon tayo aalis.." Mahinang sabi ni Aidan habang tinatanggal niya yung unan sa mukha ko. Oo nga pala, ngayon niya ko isasama sa Davao pero uuwi din ako agad ako after 2 days dahil mag uumpisa na din siya ng field study niya don.

"Anong oras na ba?" Tanong ko dahil feeling ko sobrang aga pa dahil wala pang araw na tumatama sa mukha ko kundi yung bed side lamp na binuksan ni Aidan. 2 hours lang naman ang estimated time papuntang Davao since yung private plane nila ang gagamitin. Yes, my boyfriend is filthy rich! Ang lakas maka-private plane.

"3 am pa lang. Diba sabi ko sayo maaga tayong aalis para masulit natin yung trip? Kaya come on, you wake up or the both of us will end up in this bed together at hindi na ko aalis--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil hinagis ko na sa kanya yung unan na nakalagay sa mukha ko. Tumawa lang siya at mabilis akong niyakap. Kumalas din ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan bago ako dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng high waist short at isang loose printed shirt. Pagkalabas ko ng banyo wala na si Aidan sa kwarto ko kaya nag blower lang ako ng buhok at lagay ng bloody red lipstick at bumaba na. Naabutan ko lang siyang may kausap sa phone niya habang tumatawa.

"Hahaha opo.... iuuwi ko din po siya after 2 days... po? hahahaha opo promise iuuwi ko talaga siya sige po haha opo sige po... bye." 

"Who's that?" Tanong ko habang umupo ako sa sofa. Tinitigan niya lang ako sabay hila sakin at hinalikan..

"Masyadong makapal lipstick mo tapos ang ganda mo masyado. Tara, breakfast." Sabi niya habang nakatulala pa rin ako sa ginawa niya. Parang wala lang sa kanya bwisit na Aidan na yan habang ako dito affected na affected! Ang gwapo din naman niya sa soot niyang gray v-neck at faded pants ah? Bwisit! Nabitin ako! Sinundan ko lang siya sa dining area at naupo na din ako. Ngingiti-ngiti lang siya habang kumakain.

"Saya mo ha." Sabi ko at inirapan siya.

"Masama ba?"

"Para ka talang baliw. Tsss." Sabi ko at kumain na din. 

"Ewan ko ba. Pag kasama talaga kita ang gaan lang sa feeling. Parang cloud 9. Pucha, nababakla nanaman ako. Sige na, kumain ka na diyan at baka mamaya ibalik kita sa kwarto mo at hindi na talaga tayo makakaalis." Sabi niya at kumain na ulit. Ako naman ngayon yung abot tenga ang ngiti. Mahal na mahal ko talaga yang siraulo na yan. Kumain lang kami habang nag kwe-kwentuhan at inaasar pa talaga niya ko. Pagtapos naming kumain, sumakay na kami sa kotse niya habang nag drive siya papunta sa private plane nila.

"Ba't wala kang kasamang driver?" 1 hour kase ang byahe papunta sa private plane nila kaya nag eexpect ako na may driver talaga siyang kasama.

"No, baby. Trust me pag may dinala akong driver baka mas lalo tayong hindi matuloy dahil baka mapikot lang kita para di na ko tumuloy sa Davao." Sagot niya at humalakhak lang. Mabilis ko siyang hinalikan habang nag d-drive siya.

"Drive carefully, then." Pang-asar ko sa kanya. Inirapan lang niya ko at nag focus na ulit sa pag d-drive. Madilim pa din dahil 4am pa lang. Nakakatakot din sa labas dahil bihira lang yung mga tao at sasakyan na dumadaan kaya medyo lumayo ako sa bintana.

"Scared?" Tanong ni Aidan at tumawa. Kinuha niya lang yung ipod niya at nagpatugtog.

What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright..

Mahina niyang sinasabayan yung kanta habang naka-ngiti pa rin at nag d-drive. Nakatitig lang ako sa kanya. Ngayon ko lang talaga mas lalong na-appreciate yung kagwapuhang taglay ni Aidan. Yung perpektong hubog ng mukha niya, yung buhok niyang walang style dahil laging messy smexy hair lang, yung mata niya na medyo singkit, yung dimple niya sa kanang pisngi niya, yung ilong niyang mas matanong pa sa ilong ko, yung labi niya na feeling ko perfect tapos ang pula pa. Ang ganda ko talaga! 

My head's under water but I'm breathing fine..

You're crazy and I'm out of my mind.. 'Cause all of me, loves all of you

Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections

Give your all to me, I'll give my all to you

You're my end and my beginning, even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me.. and you give me all of you, oh..

Hindi ko na namalayan na sabay na pala kaming kumakanta. Mabilis niyang tinabi yung sasakyan niya sa gilid at hininto. Hinila niya lang ako sabay halik sakin. Mas matagal, mas damang-dama ko. Sinasabayan ko na rin siya habang di ko na napigilan yung sarili ko at nilagay ko na yung isang kamay ko sa buhok niya at yung isa naman sa dibdib niya. Ugh bwisit na abs! Tumigil din siya sa paghalik sakin habang pakiramdam ko nalasing ata ako sa mga halik niya. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at ngumisi ng pagka-lawak.

"I love you."

"I love you, too." Sabi ko at hinalikan siya. Bwisit. Ngumisi nanaman siya at hinalikan din ako. Mas dinikit pa niya yung sarili niya sakin kaya ayan naramdaman ko na yung dibdib niya sa dibdib ko bwisit namamanyak pa ata ako ng wala sa oras. Ugh. Huminto nanaman siya sa paghalik sakin at humalakhak. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang inaayos niya yung buhok ko.

"Oh ano, hindi mo na ba ko paaalisin?" Tanong niya habang humahalakhak pa din at pinagpatuloy na ang pag d-drive.

"Bwisit ka talaga!" Sabi ko at pinaghahamapas siya sa dibdib.

"Chansing ka talaga. Wag kang mag-alala pagkarating natin sa private plane namin, sayong-sayo ako pati na buong katawan ko. Hahahaha." Sabi niya at tawa pa rin ng tawa.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon