Update 24

6K 76 38
                                    

 Calvin here --->

X X X X X X X X X X X X X X X X X  X

Calvin's POV

Dinala ko si Goddess dito sa Mang Inasal kasi....

"Bagay na bagay sa pangalan mo ang restaurant na 'to Goddess." Sabi ko sa kanya habang papasok kami sa loob ng Mang Inasal.

"Huh? Paano?" Nagtatakang tanong niya.

"Eh kasi, pwede siyang maging Mang TRINAsal! Hahaha! Langya, ang talino ko diba?! Hahahaha!"

"Hahaha! Oo nga no! O sige na, order na tayo! Gutom na gutom na ako bilis!" Sabi niya habang nakatingin sa menu.

Nag-order na kami ng kakainin namin.

"Isang pork inasal, halo-halo, kamote chips, at pancit molo. Dagdagan mo na rin ng dinuguan with puto!" Sabi niya dun sa waitress.

"Ang dami naman niyan!" Langya, hindi naman siya gutom sa lagay na yan ha.

"Hahaha! Konti lang naman 'to ah! Hayaan mo na! Hahaha." Binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.

* * *

Gustong-gusto kong mapanood ang action movie na pinapanood namin ngayon. Okay lang naman daw kay Goddess kaya ito na ang pinanood namin.

Akala ko kasi maganda yung movie, kaya lang langya! Ampanget! Boring!

Sana patayin na agad yung kontrabida o di kaya pasabugin na lang ng bida ang sarili niya ng granada para matapos na at makaalis kami dito. Langya, boring talaga pramis. Yun lang talaga ang madedescribe ko sa movie na 'to. Boring. Langya, sayang ang P135.00 ko... ay hindi, P270.00 pala. Nilibre ko pala si Goddess.

"Yan!! Bilis!!! Bilis!!! Takbooo!!" Napansin kong sigaw ni Goddess. Langya, naeexcite siya niyan??! Haay. Boring.

Kinakain ko na lang ang popcorn ko at tumingin-tingin sa paligid kahit wala naman ako masyadong makita kasi nga madilim.

*pak*

*pak*

*pak*

"Biliiiissss!!! Maaabutan ka na!!! Ayyy ano ba yan!! Ang bagal mong tumakbo!!!" Sigaw na naman ni Goddess at ngayon, may kasama pang hampas. Hindi lang basta hampas.. Binubugbog na niya ako!!!

"Langya! Aray naman Goddess!! Ang sakit nun ah!" Sabi ko habang hinihimas ang braso kong 'nabugbog.'

"Sssssh!!!" Narinig naming saway sa amin from nowhere.

"Soorrrry!!" Sabi niya sa akin.

Sapo ko pa rin ang braso ko. Sobrang sakit talaga. Langya, kababaeng tao ang bigat ng kamay. Pero okay lang, si Goddess yan eh. Kahit saksakin pa niya ako, ayos lang. Hahahaha. Naks.

Tumingin ulit ako sa screen at sinubukang ituon ang atensyon ko sa pelikula at maging interesado rito.

"Are you gonna kill me?"

"If I was gonna kill you..."

"Then why are you here?"

"To talk."

Langya, boring talaga!!! Tsk. =____=

"Goddess..." Bulong ko sa kanya.

"Hmm?" Walang lingon na usal niya.

"Alis na tayo."

"Huh? Bakit?"

"Ayoko ng manood. Ang boring ng movie."

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon