Update 38

5.2K 71 15
                                    


May update na! Sorry talaga kung sobrang tagal kong mag-update. Medyo busy talaga kasi eh. Huwag ng magalit ha? Hihihi. Love love!


Nga pala, may mga special guests ako dito at sa next update. Sina Sammy, Glai, at Esja! Galing sila sa story ni asktherisk na Love Me More. Basahin niyo rin yun. Magandang storya! ^^

Okay~ Sana magustuhan niyo!


X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X


Charles' POV

Nakatambay lang ako dito sa balkonahe ng cottage habang tangan ang isang lata ng beer. Nagsuswimming na ulit silang lahat. Hindi na muna ako nakisali dahil nandun si Julius. Nakakailang.

Tanaw na tanaw sila mula dito sa kinaroroonan ko. Kontento na ako na pinagmamasdan lang sila.

Nagpapaligsahan sa paglangoy sina Calvin at Klein. Sure ako na si Klein ang mananalo sa paligsahan nila. Mas magaling lumangoy si Klein kaysa kay Calvin eh. Masaya namang nagcheer sina Tita at Trina. 

Sweet na sweet naman sina Julius at Mandy. Naghahabulan sila at naghaharutan. As if sila lang dalawa sa mundo. Nilipat ko na ang tingin ko sa ibang dako. Masakit sila sa mata.

Eto na naman ako. Naiinis. Nayayamot. I suddenly felt the urge to go there and grab Mandy away from him.

Pero hindi ko naman pwedeng gawin yun. Sino ba ako para gawin yun?

Pero, the heck! Bakit na naman ba ako nag-iisip ng ganito? Why am I feeling this way? May tama na yata ako? Eh iisang lata ng beer pa naman ang naiinom ko.

"Are you alright?" Napalingon ako dun sa nagsalita. Si Maxene.

"O, bakit ka nandito? You should be joining them." Tanong ko.

"Tinatamad akong magswim eh." She sat beside me. "At saka hinahanap kita. Nandito ka lang pala, nag-iinom. Ang aga mo namang naglalasing. May problema ka ba? Tell me."

Umiling ako. "Wala akong problema. At saka hindi ako naglalasing no."

Tinitingnan niya ako ng isang Weh-di-nga look. I smiled. Ang cute niya. 

"Stop that. It's too cute." Sabi ko.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon