Update 5

9.6K 175 20
                                    

I dedicate this to littlewhispers kasi nag-fan siya! Sana magustuhan mo ang mga stories ko :)

Kulitan with Mandy, Jules, and Trina and Sisters' bonding muna ang update na ito.

Ang magkapatid --------->

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Mandy's POV

"Arrrgh! Nakakainis talaga yung Charles yabang na yun! Ang malas-malas ko talaga!" Padabog akong umupo sa isang bench. Nandito kami ni Trina sa field ng university. Vacant kasi namin. Ikinuwento ko sa kanya yung tungkol sa pagtira ko sa bahay ni Charles yabang sa loob ng dalawang buwan. Aish! Nakakainis talaga.

"Okay lang yan BF. Para naman maging close rin kayo ng boyfie ng ate mo no!" Umupo na rin si Trina sa tabi ko.

Tinitigan ko siya ng masama. "Kaibigan ba talaga kita ha?!"

"Peace! Basta ang importante, kayo na ni Papa Jules teh!" Tila kinikilig na saad niya.

Dahan-dahan naman akong ngumiti. Kinikilig pa rin talaga ako hanggang ngayon! Siyempre, dahil BestFriend ko siya, ikinuwento ko na rin syempre sa kanya na kami na ni Jules. Pati na rin yung paghalik niya at pagtawag sa akin ng "Baby!" >////<

"Teka BF, masarap bang humalik si Papa Jules?!"

O.O

"Huy! Ano ka ba!? Ang lakas-lakas ng boses mo baka may makarinig sayo!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso. Kaloka itong babaeng ito! Tumingin-tingin ako sa paligid. Buti na lang walang nakarinig. Busy pa rin ang mga tao sa paligid namin sa mga businesses nila.

"Masarap bang humalik si Papa Jules?" Tanong niya pa rin pero this time, pabulong na.

"Eeeh! Ano ba yang mga tanong mo BF?"

"Sagutin mo na dali! Ano? Masarap ba?"

"Hmm.."

"Ano?"

"O-oo naman." >////< Eeeh! Nakakahiya!

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon