Update 4

10.1K 209 45
                                    

I dedicate this update to Pancakesyrup dahil nagustuhan niya ang story na ito. ^^

Enjoy!

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

MANDY'S POV


Maya-maya, nakarating na kami ni Jules sa bahay ko. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman niya talaga.

"Gusto mo bang pumasok muna? Magkape man lang or something. Ipapakilala rin kita kay ate." Tanong ko sa kanya.

  

"Gusto ko sana pero may pupuntahan pa kasi ako eh. Next time."

"O sige, mag-ingat ka ha. Bye Jules." Tinalikuran ko na siya para buksan ang gate. Pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagbukas ng gate.

"Teka Mandy..."

"Bakit?" Tanong ko.

"May nakalimutan ka."

"Ha? Ano?" Bumalik ako sa kotse niya at sinilip kung may gamit pa akong naiwan doon. Pero wala naman eh.

"Wala naman na akong naiwa--- hmm!"

O_O

Bigla akong hinila ni Jules paharap sa kanya at walang ano-ano'y hinalikan niya ako sa labi.

"Bye Baby." Ngumiti siya, pumasok na sa kotse niya, at nagdrive na paalis.

Naiwan pa rin akong nakatulala na parang ewan sa labas ng bahay namin. Napahawak ako sa labi ko. Hinalikan nga niya ako. FIRST KISS KO YUN! Nararamdaman ko pa rin ang labi niya. At saka anong tinawag niya sa akin kanina? B-BABY? Myghed! Hindi ko na kaya ito! Kinikilig na ako!

Pangiti-ngiti ako habang pumapasok ng bahay. Ang isip ko ay nandun pa rin sa ginawa ni Jules sa akin bago lang.

Bye Baby.

Bye Baby.

Bye Baby.

"KYYAAAAAAAAH!!!!!!"

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon